Friday , June 5 2026
Philippine Kabaddi Federation SEA Games 2027
IBINIDA ni PKF Secretary General Mitch Lazaro ang kanilang naging progreso simula noong nagumpisa ang pederasyon. Kasama sa forum sina Deputy Secretary General Krizza Martin, Coach Neil James Abong, at national team players Karl Daluz, Patricia Francisco, Mykee Jimenez, at Arjay Torniado. (HENRY TALAN VARGAS)

Philippine Kabaddi Federation asam ang SEA Games 2027 excellent finish

MAS lalong paigtingin ng bagong-buong Philippine Kabaddi Federation ang kanilang pagsisikap upang ma-promote at develop ang sport ng kabaddi sa buong bansa habang nakatuon ang atensyon sa asam na strong finish sa darating na 2027 Southeast Asian Games sa India.

Ang kabaddi ay isang dynamic contact team sport na nagumpisa sa India at may pinagsamang elemento ng traditional Pinoy games na patintero at luksong baka kasama ang skills na ginamit sa combat sports gaya ng wrestling at jiu-jitsu. Nagumpisa itong laruin sa Pilipinas noong dekada 1970s sa pamamagitan ng Indian community na nakabase sa bansa ngunit gumagawa ng mga hakbang na buhayin ang sport para mai-cater sa mga kabataan na may iba’t ibang sports backgrounds.

Sa Usapang Sports Forum na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Rizal Memorial Sports Complex, ibinida ni PKF Secretary General Mitch Lazaro ang kanilang naging progreso simula noong nagumpisa ang pederasyon.

“Bagong sport na iniintroduce ito ng PKF na currently registered sa Securities and Exchange Commission since May. At ito ay nababagay sa mga Pilipino kasi more on habulan, tayaan, balibagan. We were able to grab the opportunity na buhayin ang sport. At in the past few months, inimbitahan kami ng mga officials ng Southeast Asian Kabaddi Federation. They were here to certify coaches to become Level 1 coaches ng International Federation,” Lazaro said.

Iniyahag din ni Lazaro ang ongoing na efforts nito na makuha ang pagkilala mula sa Philippine Olympic Committee at funding support mula sa Philippine Sports Commission at private sponsors, kasama na rin ang pag-expand ng grassroots program sa mga eskwelahan upang maisama sa physical education programs at ang pagkakasama ng Kabaddi sa mga malalaking collegiate leagues.

“Bilang bagong sport na narito, we are in the process of building up the NSA. We want to make this bigger—not only at the SEA Games level or internationally—but also by continuing the grassroots programs being promoted by the Philippine Olympic Committee. We want to introduce it to schools and hopefully have it included in collegiate leagues. It may be an ambitious dream, but we are working to discover more athletes for the future of Philippine kabaddi,”, wika ni Lazaro sa forum na sinuportahan ng PSC, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.

Sa ngayon ay may mga affliated clubs na ang PKF sa CALABARZON, Marikina at Bulacan, habang ongoing pa ang paguusap upang maisama ang Cagayan de Oro para bumuo ng sarili nitong lcub.

Bilang bahagi ng long term vision, sinimulan na nito ang paghahanda para sa 2027 SEA Games kung saan lalaruin sa ikalawang pagkakataon ang Kabaddi.

“May invitation po tayo ng SEA Games, medyo added pressure pero dahil nagkaroon tayo ng certification program at pinuntahan tayo ng SEAKF, dito kami tinuruan nang mas detalyado kung paano ito laruin, lahat ng rules. Sobrang laking opportunity na puntahan tayo dito for free,”, pinahayag din niya.

Binubuo rin ng PKF ang plano para sa sarili nitong liga upang gumawa ng competitive platform para sa mga athletes, habang itinataas ang awareness ng publiko sa nasabing sport.

“Hopefully umabot tayo sa punto na meron na tayong Philippine Kabaddi League na mala-PBA o PVL. Itong sport na ito doesn’t require a lot of equipment—mat lang at indoor. Talagang katawan ang gagamitin at knowledge of the game,” huling sambit niya.

Kasama ni Lazaro sa forum sina Deputy Secretary General Krizza Martin, Coach Neil James Abong, at national team players Karl Daluz, Patricia Francisco, Mykee Jimenez, at Arjay Torniado. (TOPS/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Triathlon Philippines Triathlon Japan

Triathlon Philippines at Triathlon Japan, Lumagda sa Memorandum of Understanding para sa Mas Matibay na Kooperasyon

NILAGDAAN ng Triathlon Japan at Triathlon Philippines ang isang Memorandum of Understanding (MoU) noong Mayo …

Candon City AVC Womens Cup

Candon City handa na sa AVC Women’s Cup

MATAPOS patunayan ang kakayahan bilang isa sa mga pangunahing sentro ng palakasan sa bansa, nakahanda …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …