Friday , June 5 2026
Charina Carmen Josol

Charina Carmen Josol beauty queen pinasok pag-aartista at singer

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SEVENTEEN siya nang ligawan ng lumalabas na sa pelikulang si Matthew Mendoza. Circa 80s.

At panay na rin ang kulit sa kanya ng yumaong manager na si Lolit Solis para pasukin ang mundo ng showbiz.

Hindi naman sa taglay niya talaga ang pagiging mahiyain. Pero dahil uso noon ang ST (pagpapa-sexy) sa pelikula, hindi rin naman gusto ng mga magulang ni Charina Carmen Cabading Josol na ‘yun ang pagka-abalahan niya.

Fast forward sa ngayon, sari-saring sambalilo na ang nakapatong sa ulo niya. Na sabay-sabay niyang napagtutuunan ng pansin.

Sa pagkilala sa kanya ng tao sa likod ng Best Magazine ni Richard Hiñola bilang isa sa ModelMom Universe Advocacy Queen 2026 at ModelMum 2026 Achievers Award, na ginanap sa Viva Café, idinaos na rin ang pagkilala kay Charina bilang isang singer at aktres.

Kasama niyang tumanggap ng parangal sina Sheryl Cruz, Evangeline Pascual, Elizabeth Oropesa at ang 16 pang mga inang nagmula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang anak na si Gerard ang nagsisilbing inspirasyon kay Charina at ito rin ang naging daan para sila magkasama sa isang pelikula na nakatakdang ipalabas very soon, ang Yakap ni Bunso na si Mygz Molino ang bida.

Pero gulat ang lahat nang marinig ang magandang tinig ni Charina sa kanyang Carry On single. Lalo pa nang mag-dueto silang mag-ina matapos ipapanood ang music video ng kanta.

Inilunsad din ang kanyang talk show na may pamagat na Queen-tuhan na nakatuon sa mga kapwa niya “Reyna” at sa kanya-kanyang ikot ng buhay bawat isa.

Hindi man napukaw ng magic wand ng showbiz si Charina sa panahon ng kanyang kabataan, wala siyang pinagsisisihan. Dahil hindi naman siya magkakaroon ng Gerard at kabiyak ng pusong labis ang suporta sa lahat ng kanyang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan kung nauna niyang pinili iyon.

God has other plans for me,” saad pa ng may malalim na sampalataya sa Panginoon. At siya pala ang boses sa ilang programa sa Radyo Veritas.

Sa kabila ng hindi niya pagpansin sa panliligaw sa kanya noon ni Matthew (na sumasalang pa rin sa mga pelikula gaya ng ipinalalabas sa kasalukuyan na Tayo sa Wakas), nauwi naman sa magandang pagkakaibigan ang relasyon nila.

We are friends. His wife is my friend at ninang ng anak ko. Nagko-coffee kami every once in a while. And we both are happy with where fate has led us.”

Multi-faceted Charina is sure to win a lot of people’s hearts with her kind of music.

At gaya ng sinasabi sa kanyang kanta, just “carry on”! 

There’s more to what we can see and hear! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …