Thursday , June 4 2026
Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Sa sentro ng entertainment area ng QC
‘PINOY BUGSY’ INAMBUS TINODAS NG TANDEM

HATAW News Team

HINDI nakaligtas sa kamatayan kahit naitakbo pa sa ospital ang minsang tinaguriang ‘Pinoy Bugsy’ na si Ceferino (a.k.a. Perry) Mariano, 75 anyos, nang tambangan ng riding-in-tandem sa kanto ng Timog Avenue at EDSA, sa Quezon City, kahapon ng hapon, Martes, 28 Abril.

         Ganoon din ang sinapit ng kanyang driver na si  Norberto Orimaco, 51, na una’y malubhang nasugatan sa ambush ngunit namatay din sa ospital.

         Sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), pasado 3:00 ng hapon kahapon nang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala ang puting Suzuki, may plakang NLE 4839 sakay si Mariano, sa kanto ng Timog Ave, patawid sa EDSA.

         Base sa mga nakitang kuha ng CCTV, nang makitang kapwa duguan ang sakay ng SUV, agad na tumakas ang mga suspek habang isinugod ang mga biktima sa East Avenue Medical Center (EAMC) na noong una’y sinabing nasa kritikal na kondisyon ngunit paglaon ay namatay din.

         Hindi muna inilabas ng pulisya ang pangalan ng mga biktima dahil kailangan muna nilang ipaalam sa pamilya.

         Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa ambush at sinusuri na rin ang mga CCTV sa lugar sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

         Narekober sa pinangyarihan ang 12 basyo ng kalibre .45 baril.

Viral ngayon sa social media ang video grab mula sa insidente.

Base sa mga naglabasang paskil ng mensahe ng pakikiramay sa social media, si Mariano ay kilala bilang dating presidente ng Association of Club, Karaoke, Disco Owners (ACKDO).

Sa panahong ito, bukod sa Roxas Blvd. sa bahagi ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque, kinilala rin ang Quezon City bilang sentro ng entertainment.

Inihalintulad at binansagang Pinoy Bugsy si Mariano bilang paghahalintulad kay Benjamin “Bugsy” Siegel, ang nasa likod ng pag-unlad ng Las Vegas Strip sa Clark County, Nevada, USA.

Ayon kay Marlon Bernardino, isang sports writer at chess genius, bago ang pagkamatay ni Mariano itinatag niya ang Bugsy Promotion para tumuklas ng mga bagong billiard players, alalayan sila, at suportahan. Kabilang sa kanila sina Dennis Orcullo, Antonio Gabica, Roberto Gomez, Ronnie Alcano, Jeffrey de Luna, Jeffrey Ignacio, Jharome Peña, Carlo Biado, Johann Chua, Jerico Banares, Jonas Magpantay, at iba pa.

Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ukol sa pagpaslang sa kanilang 75-anyos padre de familia, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (May kasamang ulat ni ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …