Friday , June 5 2026
Xia Vigor Miracle in Cell No 7

Xia Vigor, wish makagawa ng MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang talented na young actress na si Xia Vigor na marami ang nagugulat kapag nalamang siya ang dating child star na nagbida sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” noong 2019 na tinampukan ni Aga Muhlach at sa “Your Face Sounds Familiar-Kids” ng ABS CBN na ginaya niya si Taylor Swift.

Aniya, “Natatawa nga po ako lagi, kasi, hindi nila alam na malaki na po ako ngayon at ang nasa isip nila ay yung batang si Xia po. So, marami po na nagpapa-picture sa akin na parang hindi nila sure kung ako talaga si Xia, kasi po bata pa raw iyong si Xia.

“Kaya po mas nagiging active ako sa mga social media, para unti-unti, like makita ng mga tao iyong ngayon po na ako,” nakangting wika niya.

Ngayon ay 16 years old na si Xia at nang nakapanayam namin siya recently, nabanggit niya ang MMFF entry nilang ito ang itinuturing niyang biggest break niya sa showbiz.

Pahayag ng magandang bagets, “For sure, itong Miracle in Cell No. 7, kasi ito po ang biggest role ko at most challenging po sa acting at ang mga kasama ko po roon ay talagang mga veteran actors po. So, its such an honor and that’s really the most memorable project for me.”  

Nabanggit din ni Xia na wish niyang magkaroon ulit ng project na ganoon katindi.

“Siyempre po, kasi malaking opportunity po ang mga ganoong projects, especailly when I work with veteran actors po. Kasi, marami po akong natututunan sa kanila and nadadala ko po talaga ang mga itinuturo nila sa akin throughout my whole acting career.

“So, sana po talaga in the future I can have another big project like iyong Miracle in Cell No. 7 at MMFF din po sana,” nakangiting pakli pa ni Xia.

Nabanggit din ni Xia na nami-miss na niyang makatrabahong muli si Aga dahil parang naging tatay daw niya talaga ang aktor noong ginagawa nila ang nasabing pelikula.

Anyway, ngayon ay pumasok na rin sa pagkanta si Xia. Ang debut single niya ay “Aminin” na sinundan ng “Mahal Kita, Bahala Na” mula sa Viva Records. May bagong serye na aabangang din kay Xia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …