Thursday , June 4 2026
Bureau of Immigration BI National Bureau of Investigation NBI

Scam hub sa Angeles City sinalakay, tatlong Tsino arestado

TATLONG mamamayang Tsino ang naaresto sa pagsalakay sa isang pinaghihinalaang scam hub sa isang eksklusibong subdibisyon sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) Organized and Transnational Crimes Division at ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU).

Natagpuan ng mga awtoridad ang tatlong suspek na Tsino sa kanilang mga workstation sa loob ng isang apartment.

Ang mga suspek ay sinasabing sangkot sa mga aktibidad ng panloloko na tumatarget sa iba’t ibang nasyonalidad, kabilang ang mga Pilipino.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ito ay small-scale operation at sa terminong shabu labs, ang mga ito ay ‘kitchen-type’ setups, kaya naman tatlong tao lamang ang kanilang nahuli.

Ngunit aniya pa upang maging malinaw, ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na habulin ang maliliit na grupong humiwalay sa mga POGO.

Sinabi pa ng NBI at BI-FSU na ang mga naarestong dayuhan ay dati umanong miyembro ng malalaking POGO hub, na nagtatag ng kanilang sariling mga grupo.

Sinabi pa ng mga awtoridad na ang grupo ay gumamit umano ng mga partikular na paraan upang makihalubilo at matiyak na ang kanilang mga ilegal na operasyon ay hindi matutukoy.

“Mayroon na silang mga kasosyong Pilipina na kasama nila, at nang pumasok kami, agad na nakita ang kanilang mga workstation,” sabi ng pinuno ng BI-FSU na si Rendel Sy.

“Watak-watak ang kanilang mga operasyon; ang isang grupo ay sangkot sa money laundering, habang ang isa naman ay responsable sa pagtawag sa kanilang mga kliyente. Kapag pinagsama-sama mo ang lahat, malakihan pa rin ang kanilang operasyon dito,” dagdag niya.

Ang mga computer, cellphone, at iba pang gadget ng mga suspek na ginagamit para sa mga online scam ay kinumpiska kasunod ng pagsalakay.

Kung walang lokal na kasong maisasampa laban sa kanila, ang mga naarestong indibidwal ay agad na ide-deport pabalik sa China. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …