Thursday , June 4 2026

Sa pagsirit ng presyo sa Setyembre  
BIGAS MAY HALONG MAIS ILALARGA PARA MAKATIPID  
‘Bangungot’ ng Martial Law nauulit

043026 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SISIRIT hanggang P62 bawat kilo ang presyo ng bigas sa Setyembre, ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, Jr.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee nitong Miyerkoles, tinanong ni Sen. Bam Aquino ang Department of Agriculture (DA) kung anong produktong agrikultura ang maaaring tumaas ang presyo sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Laurel, posibleng tumaas ang presyo ng bigas sa P60 hanggang P62 bawat kilo sa susunod na tag-ani sa Setyembre dahil sa pagtaas ng presyo ng fertilizer.

Ani Laurel, mula sa P1,650 presyo ng fertilizer, sumirit ito sa P3,000.

“If we do traditional practices na pareho pa rin na urea ang gagamitin, hindi tayo gagamit ng alternative, o ‘yung farmers natin will not adopt the alternative fertilizers na isina-suggest ng DA… it can be, the computation as of yesterday is P62 per kilo,” dagdag niya.

Pinag-aaralan anila na mapanatili ang mababang presyo ng bigas sa pamamagitan ng “rice blend” at “corn blend”.

Ang rice blend ay paghahalo ng imported na bigas sa local rice o 70-30/60-40 para parehong masuportahan ang lokal na bigas ng mga magsasaka at imported rice habang ang corn blend naman ay 50-50 na white corn at bigas.

Sinabing ang rice blend, hindi man ay aminin ay nagaganap sa mga commercial market at ginagawa ng ilang mandarayang komersiyante.

Anang isang consumer na hindi nagpabanggit ng pangalan, “Bumibili kami ng bigas sa isang membership club supermarket kasi mura kaysa regular na presyo sa ibang rice products, ang ganda sa ibabaw parang jasmine rice, pero kapag kalahati na ang sako, parang iba na ang quality, akala namin kapag ganyang membership walang nandadaya, ganoon din pala.”

“E kapag naghalo ang bigas at mais parang kagaya na ‘yan noong martial law, ang haba ng pila sa bilihan  ng bigas, tapos kapag isinaing at kinain na mahilab sa tiyan,” ayon naman sa isang 62-anyos mamimili.

“Sa mahal ng bigas ngayon, sana naman tumigil sa pambuburiki ang ibang rice dealer. Ang dami diyan yumayaman sa pambuburiki,” saad ng isang consumer.

“Sige pa, itaas nang itaas pa, isang araw magigising na lang tayong nag-aalboroto na ang mga tao. Presyo ng krudo itinaas, walang ginawa ang gobyerno. Ngayon naman, bigas, wala rin remedyo ang gobyerno. E ano pa bang silbi ng mga opisyal ng gobyerno kung ganyan lang din ang mangyayari sa gaya naming mga dukkha?” daing ng isang vendor sa palengke.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …