Thursday , June 4 2026
Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Tandem sa ambush ng ‘Pinoy Bugsy’ namukhaan sa CCTV

NAMUKHAAN sa mga kuha ng CCTV ang mga suspek

sa pananambang sa negosyante at dating pangulo ng Association of Club, Karaoke, Disco Owners (ACKDO) na binansagang “Pinoy Bugsy” at sa kanyang driver nitong Martes ng hapon sa kanto ng Timog Ave., at EDSA sa Quezon City.

Tinukoy ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa base sa isinagawang backtracking ng pulisya sa kuha ng mga CCTV sa circumferential area ng ambush site.

Nakita ang mga mukha ng dalawang suspek na sakay ng isang Mio motorcycle nang isagawa ang ambush sa mga biktimang sina Ceferino Baltazar Mariano, alyas Perry, 75 anyos; at Norberto Manlupig Orimaco, alyas Cocoy, 51, kapwa residente sa Quezon City.

Nangyari ang insidente dakong 3:40 ng hapon sa  kanto ng Timog Ave. at EDSA, Barangay South Triangle, Quezon City.

Naitakbo pa sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang mga biktima, kapwa may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit hindi sila nailigtas at tuluyang namatay.

Sa ulat, sinabing anim ang tama ng bala ng baril sa katawan si Mariano habang tatlo kay Orimaco.

Sa ginawang backtracking ng Criminal Investigation and Detection Unit – Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nakita ang paghinto ng mga suspek sa Sct. Ybardolaza St. kung saan hinintay ang pagdaan ng puting mini-SUV ng mga biktima na Suzuki S-Presso, may plakang NLE 4839 hanggang umabot sa  Timog at saka pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, nagpalit ng mga damit, at inabandona ang  motorsiklo sa Sct. Rallos. Naglakad patungong Sct. Ybardolaza ang mga suspek hanggang makitang dumaan sa Sct. Torillo at Sct. Borromeo kung saan sumakay ng tricycle.

Ayon kay Kamuning Police Station 10 commander PLt. Col. Zachary Capellan, ngayong namukhaan na ang mga suspek, mas paiigtingin ang pagtugis sa kanila bukod pa sa pagbuo ng Special Investigation Team na pangungunahan ni PBGen. Randy Glenn Silvio upang malaman ang motibo at utak sa krimen.

Nabatid na ginawan ng pekeng MV file ang  ginamit na Mio motorcycle at tila matagal nang sinusubaybayan ng mga suspek ang mga biktima.

Narekober sa pinangyarihan ang 12 basyo ng kalibre .45 baril.

Si Mariano na dating pangulo ng ACKDO ay nagtatag ng Bugsy Promotion para tumuklas ng mga bagong billiard players, alalayan sila, at suportahan. Kabilang sa kanila sina Dennis Orcullo, Antonio Gabica, Roberto Gomez, Ronnie Alcano, Jeffrey de Luna, Jeffrey Ignacio, Jharome Peña, Carlo Biado, Johann Chua, Jerico Banares, Jonas Magpantay, at iba pa.

Bukod sa pagsasanay at pagsuporta sa mga billiard players, nakilala rin si Mariano sa pagpapasikat ng mga aktres na dating performers sa nagsarang Thunderdome KTV na kanyang pag-aari.

Binansagang Pinoy Bugsy si Mariano bilang paghahalintulad kay Benjamin “Bugsy” Siegel, ang nasa likod ng pag-unlad ng Las Vegas Strip sa Clark County, Nevada, USA.

                    Bago pinaslang, tinaguriang “Godfather of Philippine Pool” si Mariano dahil sa pagsuporta sa mga billiard players. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …