Tuesday , December 16 2025

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

Sara Duterte bisita sa proclamation rally ni Amado Bagatsing

Sara Duterte Amado Bagatsing

KINOMPIRMA ang pagdalo sa proclamation rally ng isang mayoralty candidate sa Maynila ni vice presidential bet, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ngayong araw, 5 Marso 2022. Sa media forum, sinabi ni Manila mayoralty candidate congressman Amado Bagatsing, inimbatahan nila si Inday Sara at nagkompirma ng kanyang pagdating. Bukod kay Inday Sara, darating din umano sina Senator Win Gatchialian, Rep. Rodante …

Read More »

INDAY SARA KAISA NG SERVICE PERSONNEL.

Sara Duterte INDAY SARA KAISA NG SERVICE PERSONNEL

Pinulong kamakailan ni vice presidential candidate, Mayor Inday Sara Duterte sa Mary Mount Academy, ang mga janitorial at maintenance service personnel upang alamin kung paano maiibsan ang kanilang pasanin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon. Kasama ni Inday Sara sina Parañaque District 1 Congresswoman Joy Tambunting at dating congressman Gus Tambunting, naghain siya ng mga posibleng solusyon para …

Read More »

Sa Sta. Maria, Bulacan
TINDAHAN SA LOOB NG PALENGKE TINUPOK NG APOY

Sa Sta Maria, Bulacan TINDAHAN SA LOOB NG PALENGKE TINUPOK NG APOY

HALOS walang natira sa mga paninda ng isang negosyante nang tupukin ng apoy ang kaniyang tindahan sa loob ng isang palengke sa Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Marso. Nabatid na dakong 3:00 am nang sumiklab ang malaking apoy sa tindahang pag-aari ni Evelyn Sumalinog Buico, residente sa Maningas …

Read More »

P.5-M droga kompiskado

TINATAYANG mahigit sa P500,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy bust opebgns at pagkakaaresto sa siyam na indibidwal sa Taguig at Parañaque City kamakalawa. Sa ulat ni Southern Police Distfrict (SPD) Director P/Brig General JImili Macaraeg, unang nahuli sa harap ng gasolinahan sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Antonio, dakong 3:45 am, 22 Marso, …

Read More »

12 Filipino seafarers mula Ukraine nasa bansa na

Ukraine

TINANGGAP ng mga tauhan ng Angeles Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Clark, Pampanga ang pagdating ng 12 Filipino seafarer mula Ukraine. Ang mga Filipino seafarer ay mga tripulante ng MV Filia Joy at MV Filia Glory. Ang grupo ng mga Pinoy Seafarers ay matagumpay na nailikas mula sa kanilang mga barko sa harap ng nagpapatuloy na …

Read More »

7 kaso ng Covid-19 sa Munti iniulat

Covid-19 positive

NAKAPAGTALA ang Muntinlupa local government unit (LGU) ng pitong aktibong kaso ng CoVid-19 sa lungsod kahapon. Sa impormasyon ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa, ang mga naitalang aktibong kaso ay lima mula sa Brgy. Alabang, isa sa Brgy. Cupang at ang isa naman ay mula sa Brgy. Putatan. Dahil dito, umabot sa kabuuang 39,879 ang bilang ng kompirmadong kaso …

Read More »

94% ng populasyon ng Taguig bakunado

CoVid-19 vaccine taguig

UMABOT sa kabuuang 832,839 katao ang bilang ng mga fully vaccinated o 94% ng populasyon sa lungsod, ito ang inihayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig. Dahil sa ginawang pagsisikap ng health workers ng Taguig para iligtas ang buhay ng mamamayan nito laban sa banta ng CoVid-19 variant. Tiniyak ng local government unit (LGU) na mananatiling agresibo ang health workers sa …

Read More »

11 Public school buildings, pinasinayaan sa Navotas

Navotas

PINANGUNAHAN ni Navotas Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang blessing at inauguration ng 11 four-storey public school buildings sa lungsod na may kabuuang128 classrooms. Ang bawat isa ng Tanza National High School, San Roque National High School, San Rafael Technological and Vocational High School, at Navotas Elementary School – Central ngayon ay may karagdagang four-storey building na …

Read More »

No.1 PDID ng NPD
LIDER NG CRIMINAL GANG ARESTADO SA PANGASINAN

Arrest Posas Handcuff

HINDI nakapalag nang silbihan ng warrant at arestohin ang lider ng ‘Reyes & Abaya’ criminal gang, nakalistang no. 1 sa Priority Database on Illegal Drugs (PDID) ng Northern Police District (NPD) matapos masakote sa Alaminos City, Pangasinan. Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, hepe ng DID-NPD ang naarestong akusado na si Jimmy Abaya, alyas JimJim, 34 anyos, residente sa Zone 4, …

Read More »

2 tulak na bebot kelot swak sa buy bust

shabu drug arrest

SA KULUNGAN bumagsak ang tatlong bagong identified drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos madakma sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Fe Santiago alyas Pepot, 42 anyos, Lorielyn Cadacio, 31 anyos, at Rogelio Brigido, 38 anyos, pawang residente …

Read More »

P387-M shabu kompiskado sa arestadong 3 miyembro ng bigtime drug syndicate

shabu

DINAKIP ang tatlong tulak na pinaniniwalaang miyembro ng malaking sindikato ng ilegal na droga makaraang makompiskahan ng P387.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), kahapon ng umaga sa lungsod. Kinilala nina QCPD Director, P/BGen. Remus Medina at PDEG Director P/BGen. Randy …

Read More »

36 oras nang nakapila
DFA PASSPORTS APPLICANTS ‘KINALINGA’ NG MGA PULIS

DFA Parañaque PNP Food

NAGPAKAIN ng lugaw at pandesal sa mahabang pila ng passports applicants sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga tauhan ng Sub-Station 2 ng Parañaque City police upang makatulong sa halos 36 oras nang nakapilang aplikante sa pagkuha ng pasaporte sa harap ng tanggapan ng DFA, sa Macapagal Blvd., Tambo, Parañaque City, kahapon ng umaga. Pinuri ni Southern Police District …

Read More »

12 sugatan sugatan
LADY GRAPHIC ARTIST PATAY SA BUMALIKTAD NA UV EXPRESS VAN

UV Express Van Accident QC

PATAY ang isang babaeng graphic/layout artist ng pahayagang Daily Tribune, habang 12 ang sugatan nang bumangga, tumagilid, at nagpaikot-ikot ang sinasakyan nilang UV Express van sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Patay agad ang pasaherong si Aurora Bulan, nasa hustong gulang, empleyado ng pahayagang Daily Tribune, residente sa Natividad St., San Francisco Del Monte, Quezon City. Dinala sa Quirino …

Read More »

Bakit ayaw ko sa mga Neo-Liberal

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.  (Basahin at pag isipan kung bakit. Huwag lang basta mag react nang negative). BAKIT hindi ako susuporta sa isang Neo-liberal tulad ni Leni. Walang sinisino ang kasaysayan. Iiwan ka nito kung babagal-bagal ka at makikita mo lamang ang kinang nito ilang taon matapos maganap ang pangyayari. Ito ‘yung tinatawag na ‘hindsight.’ Noong 1986 …

Read More »

‘Endo’ wakasan — Ping

032422 Hataw Frontpage

NANINDIGAN si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na pabor siya na wakasan ang kultura ng kontraktuwalisasyon sa bansa, pero kailangan ibalanse ang mga interes ng mga manggagawa at mga may-ari ng negosyo sa usaping ito. Sa programang “Go Negosyo Kandidatalks: The Presidential Series” na umere nitong Miyerkoles, inihayag ni Lacson na nais niyang protektahan ang sektor ng mga manggagawa …

Read More »

Sa Boracay
2 TURISTA NATAGPUANG PATAY SA HOTEL

WALANG BUHAY nang matagpuan ang dalawang turista, kabilang ang isang Australian national, sa loob ng kanilang silid sa isang hotel sa isla ng Boracay, sa Malay, Aklan nitong Lunes, 21 Marso. Kinilala ang mga turistang sina Dennis Yu, 44 anyos, isang Filipino ayon sa kaniyang ID card; at Maria Cecilia Jellicode, isang Australian national ayon sa kaniyang pasaporte. Sa inisyal …

Read More »

OEC violator, tulak timbog sa search warrant

gun ban

ARESTADO ang lalaking lumabag sa ipinaiiral na Omnibus Election Code (OEC) at hinihinalang tulak sa ipinatupad na search warrant ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Marso. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasakote ang dalawang suspek sa ipinatupad na search warrant ng mga police stations ng Pulilan at San Jose Del Monte …

Read More »

Tulak tiklo sa 1.7 kilo ng ‘damo’

marijuana

NASUKOL ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation ang isang hinihinalang tulak na nasamsaman ng 1.7 kilo pinaniniwalaang marijuana sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group (DEG) Director P/BGen. Randy Peralta, ang naarestong suspek na si Jheremy Javier, alyas David, nasa hustong gulang, residente sa Brgy. Mambugan, sa lungsod. Nakompiska mula sa suspek …

Read More »

Inatadong lalaki sa Montalban kinilala ng misis

Tsinaptsap na katawan ng lalaki natagpuan sa Montalban

DIREKTANG kinilala ng asawang si Nerissa Rosales, 34 anyos, na mister niya ang may-ari ng putol-putol na katawan at ulo na natagpuan noong 17 Marso ng umaga sa Zigzag Road, Don Mariano Ave., Rodriguez (Montalban), Rizal. Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriguez MPS, kinilala ni Nerissa ang biktimang mister na si Ramil Jugar, 38 anyos, …

Read More »

2 most wanted ng PRO4A PNP nasukol sa Bulacan

arrest, posas, fingerprints

INIULAT ng top cop ng Central Luzon na si P/BGen. Matthew Baccay ang matagumpay na pagkakadakip sa isang regional at isang provincial most wanted persons sa inilatag na manhunt operation sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Marso. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng …

Read More »

Sa Bulacan
37 TIMBOG SA ANTI-CRIME DRIVE

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang may kabuuang 37 indibidwal, pawang nasa talaan ng mga lumabag sa batas sa ikinasang serye ng mga operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 20 Marso. Nadakip ng mga tracker teams ng mga police stations ng Bocaue, Malolos, at Paombong ang tatlo kataong matagal nang pinaghahanap ng batas na kinilalang sina …

Read More »

MWP ng Laguna PNP arestado sa Victoria

arrest posas

NADAKIP ang ikapitong most wanted person (MWP) ng Laguna PPO sa ikinasang joint manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Victoria, sa naturang lalawigan. Sa ulat ni Laguna PPO Director, P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, inaresto ng Victoria MPS, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng kanilang hepeng si P/Capt. Laudemer Abang, at Regional Mobile …

Read More »

18-anyos estudyante todas sa hazing

hazing dead

PATAY ang isang estudyante matapos sumailalim sa initiation rites ng isang fraternity sa bayan ng Kalayaan, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang biktimang si Reymart Rabutazo, 18 anyos, estudyante, residente sa Purok 1C, Brgy. Longos, sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, dakong 4:50 pm noong Linggo, 20 Marso, nang magtungo ang lola ng biktimang si Elizabeth Rabutazo, upang isumbong ang …

Read More »

Probinsyano Party-List suportado ang subsidy para sa mga sektor na apektado ng oil price hikes

Ang Probinsyano Party-List Feat

SUPORTADO ng Probinsyano Party-List ang government subsidy para sa mga sektor na apektado ng oil price hikes. Nagpahayag ng pagsuporta ang Ang Probinsyano Party-List sa pamimigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis. “Nakikiisa kami sa mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto sa ating mga kababayan ng pagtaas ng presyo …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches