Sunday , December 3 2023
suicide jump hulog

Grade 1 pupil nahulog sa 4/F ng public school

NAHULOG mula sa ika-apat na palapag (4/F) ng pinapasukang paaralan ang Grade 1 pupil sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kaagad isinugod ng security guard at utility personnel ng San Rafael Village Elementary School sa Tondo Medical Center (TMC) ang 7-anyos batang lalaki, kasalukuyang nakaratay matapos isailalim sa pagsusuri ng mga doktor.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Navotas Police Women and Children’s Protection Deks (WCPD), nasa ika-apat na palapag ng naturang paaralan sa Brgy. San Rafael ang bata nang makita ng utility personnel na si Rommel Ballad na nahulog dakong 2:30 pm.

Inatasan ni Ginoong Michael Daco, principal ng naturang paaralan, ang school teacher na si Ethenel Jaime, alalayan ang mga magulang ng bata na kaagad nagtungo sa pagamutan upang alamin ang kondisyon ng kanilang anak.

Hindi nakalagay sa ulat ng pulisya kung naglalaro o may kasama pang ibang bata ang biktima sa ika-apat na palapag nang mangyari ang insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan DTI

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium …

shabu drug arrest

2 araw police ops  
P.2-M ‘obats’ nasamsam sa Bulacan

NAKUMPISKA sa pinaigting na serye ng mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga …

Bayani City FSRR Camp Tecson San Miguel, Bulacan

 ‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson

NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp …

Bulacan Padre Mariano Sevilla

Paninindigan at Pamana, inalala sa ika-100 Taon ng Pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang ika-100 anibersaryo ng pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla, ang kilalang …

Bulacan Gawad Galing Kooperatiba

23 pinakamahusay na koop sa Bulacan kinilala ng Gawad Galing Kooperatiba

KINILALA ng taunang Gawad Galing Kooperatiba ang 23 pinakamahuhusay na kooperatiba sa Bulacan sa ginanap …