Wednesday , June 24 2026
CHECKMATE ni Marlon Bernardino

Tayo na sa GenSan

CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino

SA UNANG column po natin ay nakatutok tayo sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival Chess Team Tournament sa 2-4 Setyembre 2022 na gaganapin sa Robinsons Place sa General Santos City.

Tiyak blockbuster ang nasabing team event na magsisilbing punong abala si National Chess Federation of the Philippines Vice President Manny Pacquiao, kaagapay ang Extreme Gaming at Luminuex Glutathione Capsule na inorganisa ni United States chess master Rodolfo “Jun” Panopio Jr.

Si Pacquiao at kapwa NCFP official Atty. Neri Javier Colmenares ang main supporter ni World Youngest Fide Master Alekhine Fabiosa Nouri ng City of San Jose Del Monte, Bulacan na iwawagayway ang bandila ng Filipinas sa World Juniors Under 20 Chess Championship sa Sardinia, Italy sa 11-23 Oktubre 2022 at sa Leuven Open sa Leuven, Belgium sa 11-13 Nobyembre 2022, kasama ang inyong lingkod na naatasang maging guardian/coach ni FM Nouri.

Kaagapay din sa kampanya ni FM Nouri ang Philippine Sports Commission sa gabay ni OIC Atty. Guillermo Iroy at Commissioner Bong Coo at Philippine Olympic Committee President Tagaytay City mayor Abraham “Bambol” Tolentino.

Thanks Mam Glo sa pagkakataong makapag column sa number 1 tabloid Hataw D’yaryo ng Bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …