Friday , September 30 2022
ltfrb traffic

8,000 dagdag TNVS ‘katangahan’ — transport group

TINAWAG na katangahan ng isang transport group ang pagbubukas ng prankisa para sa 8,000 transport network vehicle service (TNVS) bilang solusyon sa problema sa masikip na trapiko ng mga sasakyan sa Metro Manila.

“‘Yun bang paglalagay ng napakaraming TNVS na binuksan 8k units, sinasabi nila noon solusyon sa traffic. ‘Yan ho, ako mismo, sarili ko po, pasensiya na po. Ngayon po sinasabi nila solusyon sa traffic ang pagbubukas ng prankisa ng TNVS, ay katangahan po nag-isip ‘nun,” ayon kay Orlando Marquez, national president ng Liga ng mga Transportasyon at Operators sa Pilipinas sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kamakalawa.

Para kay Marquez, hindi makatutulong sa mas maraming mahihirap na pasahero ang pagdaragdag ng 8K TNVS.

Nanawagan siya sa pamahalaan na maglunsad ng national public transport summit upang makapagbalangkas ng komprehensibong plano para malutas ang problema sa trapiko.

Giit ni Marquez, hindi sapat na ibinalik ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang dating ruta ng mga jeep at bus na pinutol noong magsimula ang CoVid-19 pandemic.

“Hindi pa po sapat, dahil kailangan dito nationwide bubuksan na mga ruta para ma-deliver kompletong serbisyo sa mamamayan lalong-lalo na mananakay mga estudyante dahil sa ngayon kulang na kulang nakikita natin paano stranded mga pasahero, umaga at hapon. E ‘di  lalo na kung and’yan na mga estudyante, milyon, buong Filipinas,” aniya.

Ngayon ang opisyal na pagsisimula ng school year 2022 – 2023.

Nauna rito, inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magpapakalat sila ng 500 traffic enforcers sa 146 paaralan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …