Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahirapan Public Enemy No. 1 — Chiz

SA kahirapan nag-ugat lahat ng problema ng bansa at ito ang public enemy number one.

Ito ay ayon kay independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag noong Linggo na ang pagsugpo sa kahirapan ang magiging prayoridad ng gobyernong may puso.

“Sa Gobyernong may Puso, ang kalaban po namin, kahirapan, public enemy number one po namin ‘yan,” ayon kay Escudero.

Sa ikalawang debate ng mga kumakandidatong bise presidente, sinabi ni Escudero na habang may mamamayang hindi matustusan ang pinakapayak sa kanilang pangangailangan patuloy na magkakaroon ng mga Filipino na lilihis sa buhay ng krimen at mag-aaklas laban sa pamahalaan.

“Para po sa akin, habang mayroong tatay na hindi napapakain ang kanyang anak nang tatlong beses sa isang araw. Habang mayroong nanay na hindi napag-aaral hanggang kolehiyo ang kanyang anak. Habang mayroon pong pamilya na hindi kayang ipagamot ang mahal nila sa buhay. Palagi pong may kakapit sa patalim, palaging may gagawa ng krimen, at palaging may aakyat sa bundok,” paliwanag ni Escudero.

Ayon sa Bicolanong senador, dito sa sinasabing ugat ng lahat ng suliranin ng bansa dapat na ituon ng gobyerno ang atensiyon kung ayaw nating magpabalik ang pag-usbong ng mga poblema ng bansa.

Bigay-diin niya, “nais po namin tutukan ang pinaka-ugat ng problema. Maski anong putol mo ng damo, kung nandiyan pa rin ang ugat, balewala at tutubo pa rin ‘yon.”

Ang isang gobyernong may puso, giit ni Escudero, ay iwawaksi ang gutom at kahirapan, hindi ang nagugutom at nahihirapang mamamayan.

“Nais po namin patayin ang gutom hindi ang gutom. Nais po namin patayin ang kahirapan hindi ang mahirap. Ito ang layunin, ito ang mithiin, ito ang pangarap at nais naming makita sa ating bansa upang tunay na maging maunlad,” ayon sa senador.

Kabilang sa mga platapormang idinetalye ni Escudero sa nasabing debate ang paglalaan ng pondo para sa mga programang bibigyan ng pangunahing pagtuon gaya ng P300 bilyon o sampung porsiyento ng taunang badyet ng bansa para sa mga magsasaka at mangingisda, mga sektor na nabibilang ang pinakamaraming mahihirap; P100 bilyon para sa pensiyon ng OFWs; P12.3 bilyon para sa libreng edukasyon sa kolehiyo sa lahat ng state college at universities; at ikatlong bahagi ng taunang budget na katumbas ay halos isang trilyong piso para sa Mindanao “para ang lupang pangako ay tuluyan nang maging lupa ng katuparan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Gun poinnt

Rider pinagbabaril ng tandem, estudyante nadamay patay

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang target na delivery rider, at isang estudyanteng nadamay sa enkuwentro …

PNP HPG Sta Maria Bulacan

Sa Sta. Maria, Bulacan
P10-M ‘hot meat’ nasamsam

NAKOMPISKA ng mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) Regional Office 3 ang 28 toneladang …

Arrest Posas Handcuff

No. 2 provincial most wanted ng Angeles tiklo sa Bustos

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng Bustos MPS, katuwang ang Tracker Team, PIT Bulacan …

Leody de Guzman BMP Julius Cainglet FFW

Katarungan at dignidad ilagay sa sentro ng paggawa para sa mga manggagawa

NANAWAGAN si Bishop Gerardo A. Alminaza sa mga pinuno ng Caritas Philippines at mga organisasyon …

USTNAI Senen Cabalfin Gandang Lola

Gandang Lola Year 3 Medical Mission Naghatid ng Pagaling, Saya, at Dignidad sa Elderly Community

NAGSAMA-SAMA ang malasakit, pag-aaruga, at selebrasyon sa Little Sisters of the Elderly habang matagumpay na …