Thursday , June 4 2026

CAFGU utas sa saksak ni misis sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) makaraan pagsasaksakin ng kanyang sariling asawa sa Unisan, Quezon kamakalawa.

Napag-alaman, nadatnan ng suspek na si Josephine De Oro, 39, ang kanyang asawa na si Isagani De Oro, 51, at isa pang miyembro ng CAFGU sa kanilang bahay habang nasa impluwensiya ng alak.

Pinaghihinalaan ng biktima na may kalaguyo si Josephine kaya pinagsasampal at pinagmumura niya ang ginang.

Hindi pa nakuntento si Isagani, kumuha siya patalim at sinaksak ang suspek.

Nagawang maagaw ni Josephine ang patalim at inundayan ng saksak sa dibdib ang kanyang asawa.

Agad humingi ng tulong ang suspek makaraan ang pananaksak.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang nasugatan ding suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …