Sunday , December 22 2024

TUCP para kay Mar ‘di kay Binay

ANG buong suporta ng pinakamalaking national labor group sa ating bansa na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay ipinagkaloob sa tambalan ng Liberal Party standard bearer na sina presidential candidate  Mar Roxas at kay vice-presidential candidate  Camarines Sur Rep. Leni Robredo  at hindi sa kandidatura ni Vice President Jejomar Binay para sa May 2016 presidential elections.

Ito ang ipinunto at binigyang-linaw ni TUCP president Ruben Torres bilang pagtutuwid sa inilabas na news item nitong Pebrero 29 sa online edition ng isang broadsheet na may titulong “Labor Group Backs Binay.”

Ang source ng pagpapahayag ay mula sa isang Alan Tanjusay na walang  awtorisasyon o kapahintulutan upang magsalita para sa TUCP dahil siya ay kabilang sa grupo ni Democrito Mendoza na tinanggal bilang kaalyado ng pinakamalaking organisasyon na TUCP.

“It is shameless that an expelled TUCP affiliate continues to claim leadership and perhaps, ownership of the biggest national labor in the country, in defiance of the Supreme Court (SC) and Court of Appeals (CA) decisions on the leadership in TUCP. This defiance includes an illegal and forcible siege of the TUCP Headquarters in Quezon City, involving armed hooligans,” pahayag ni Torres.

Base sa desisyon ng SCat CA, malinaw na si dating Senator Ernesto Herrera ang TUCP president matapos mag-resign noong Nobyembre 2012 si Atty. Democrito Mendoza.

Nang mamayapa si Sen. Herrera, si Torres na ang umakto bilang presidente ng TUCP alinsunod sa constitutional processes.

Inihayag ni Torres na ang International Trade Union Confideration (ITUC), ang ITUC Asia Pacific, ang International Labor Organization (ILO) at halos lahat ng national labor centers sa ASEAN at sa buong mundo ay rumerespeto at kinikilala ang leadership ngayon ng TUCP.

Hiniling na ng TUCP sa CA na ma-contempt ang naging gawi ng napatalsik na grupo nina Tanjusay.

“We also urged the Department of Labor and Employment (DOLE) to act faster on our motion for full implementation of the writ of execution of the SC and CA decisions, including a return of possession of the TUCP Headquarters to legitimate TUCP officers and members,”  pahayag ni Torres.

Sa manifesto noong Nobyemre 2015, ang TUCP ay nagpalabas ng kanilang pahayag na “unequivocal support”  o malinaw na pagsuporta para kina Roxas at Robredo dahil sa kanilang hindi matatawarang records para sa kanilang  good governance at ang full commitment na makamit ang progresibong resulta para sa ating bansa.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *