Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina patay ama sugatan sa 3 karpintero

020916 FRONTPATAY ang mag-ina habang sugatan ang padre de pamilya makaraang hatawin ng tubo ng mga construction worker sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Dalawa sa tatlong suspek ang agad naaresto sa follow-up operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa ulat ni Supt. Robert Sales, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, kinilala ang mga napatay na sina Princesita Villanueva, 66, retiradong empleyado ng  QC Hall, at anak niyang si Christian, 36-anyos.

Ang mag-ina ay namatay sanhi ng mga sugat sa ulo at katawan dahil sa hataw ng tubo.

Nasugatan sa ulo ang mister ni Princesita na si Ruben, 68, empleyado rin ng QC Hall, nakatalaga sa Accounting Department. Ang mga biktima ay pawang residente sa 67 1st St., Bitoon Circle, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Agad naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang  dalawa sa tatlong karpentero na sina Edilberto Escandor, 27; at Bernabe Escario, 49, kapwa nakatira sa  Zone 8, Sitio Pagkakaisa, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Pinaghahanap ang nakatakas na foreman na kinilala lamang sa alyas “Beloy” ng Brgy. Central, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng ipinagagawang bahay ng pamilya Villanueva.

Nauna rito, lasing na dumating ang tatlong suspek sa bahay ng pamilya Villanueva mula sa inoman sa bilyaran, ‘di kalayuan sa kanilang bahay.

Sinita ni Princesita ang tatlo nilang stay-in na karpintero, dahil naka-inom at maiingay na nauwi sa pagtatalo.

Dala ng kalasingan, dumampot ng tubo ang mga suspek at hinataw sa ulo ang ginang. Nang makita ng anak ay tangkang saklolohan ang ina ngunit maging siya ay hinataw rin ng tubo ng mga suspek.

Sa pagkakataong iyon, palabas ng palikuran si Ruben nang makitang hinahataw ng tubo ang mag-ina. Akmang sasaklolo si Ruben ngunit hinataw rin siya ng tubo ngunit nadaplisan lamang.

Pagkaraan ng insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek ngunit sa follow-up operation, nadakip ang dalawang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …