Thursday , June 4 2026

Grade 4 pupil nadapa sa iskul, patay

VIGAN CITY – Binawian ng buhay ang isang Grade 4 pupil ng Guimod Elementary School sa Bantay, Ilocos Sur makaraang madapa sa loob ng nasabing paaralan.

Ang biktima ay kinilalang si Jilian Dadap residente ng Guimod, Bantay.

Ayon sa impormasyon, tumatakbo ang bata sa playground nang madapa sa mabatong bahagi at tumama ang dibdib sa batuhan na naging dahilan nang pagsusuka.

Naitakbo pa sa ospital ang bata ngunit pagkaraan ng ilang araw ay binawian ng buhay.

Palaisipan sa pamilya ng biktima kung bakit nasa labas pa ang mga bata nang mangyari ang insidente dahil oras na iyon ng klase.

Paniwala ng ina, may pagkukulang at pananagutan ang nasabing paaralan sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …