Sunday , December 22 2024

Sanggol, 5 pa patay sa fuel tanker

TACLOBAN CITY – Patay ang anim katao, kabilang ang isang anim-buwan gulang na sanggol, makaraang araruhin ng isang fuel tanker ang ilang kabahayan sa Brgy. Lale, Pinabacdao, Samar, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Michael Buenavides, 20; Maryjoy Buenavides, 18, kasama ang anim buwan gulang niyang sanggol, gayondin si Angela Buenavides Balundo, pawang mga residente sa nasabing lugar.

Binawian din ng buhay ang hindi pa nakilalang driver ng truck at ang kanyang kasama.

Batay sa report ng Samar Provincial Police Office, biglang nawalan ng preno ang truck na nagresulta sa pagkakahulog nito sa kaliwang bahagi ng daan at nabangga ang tatlong kabahayan.

Nagliyab ang nasabing fuel tanker kasama ang naturang mga bahay.

Bukod sa mga namatay, marami rin mga nasugatan sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *