Sunday , December 22 2024

Anak tinaga ng ama (Dudang kalaguyo ng ina)

VIGAN CITY – Selos ang dahilan ng pagtaga ng isang ama sa sariling anak sa Brgy. Apang, Alilem Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Roldan Lausan, 21-anyos, habang ang suspek na kanyang ama ay si Rolando Lausan, parehong residente ng nasabing bayan.

Ayon kay Senior Inspector Joel Lagto, chief of police ng PNP-Alilem, matagal nang nagseselos ang ama sa pagiging malapit ng anak sa kanyang misis at hinalang may relasyon silang mag-ina.

Parehong lasing ang dalawa nang magkaroon nang mainitang pagtatalo na nagresulta sa pananaga ng ama sa anak.

Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng biktimang tinamaan ng taga ulo, leeg at iba pang bahagi ng katawan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *