Thursday , June 4 2026

MTPB volunteer todas sa tren

PATAY ang isang 40-anyos volunteer member ng Manila Traffic Parking Bureau (MTBP) makaraang masagasaan ng rumaragasang tren habang umiihi sa gilid ng riles sakop ng Tondo, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Francisco Garcia ng nasabing lugar.

Ayon kay Supt. Alex Danile, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 8:05 p.m. nang naganap ng insidente sa Jose Abad Santos Ave., kanto ng Antipolo St., Tondo.

Pahayag ng mga kasamang sina Catalla Jay Braceros, 39, at Richard Ramos, 29, kasalukuyang silang nagmamando ng trapiko sa nasabing lugar habang parating ang tren nang magpaalam ang biktima na iihi.  

Pagkaraan ay nakarinig na lamang sila ng sigaw ng mga pasahero ng tren at nakitang duguang nakabulagta na ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …