Thursday , June 4 2026

Kolehiyala sinaksak ng basted na admirer

LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na sa ospital ang 19-anyos college student ng Bicol University makaraang pagsasaksakin ng kanyang manliligaw sa Guinobatan, Albay kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Janice Villasis y Villamore, taga-Masbate ngunit pansamantalang tumutuloy sa Brgy. Calsada sa nasabing bayan.

Ahon kay Chief of Police Luke Ventura ng Guinobatan Municipal Police Station, matagal nang manliligaw ng biktima ang suspek na si Rodolfo Paloma Jr. y Quedes, 23-anyos, Grade 9 sa isang pampublikong paaralan sa Guinobatan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima kasama ang mga kaklase nang salubungin ng suspek at inundayan ng saksak.

Sinasabing ito ay dahil sa pagbasted ng biktima sa panliligaw ng suspek.

Sa ngayon, nakakulong na si Paloma habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …