Sunday , December 22 2024

61-anyos lola huli sa maraming armas

TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possesion of firearms ang isang lola nang mahulihan ng mga armas sa “Oplan Kalag-Kalag” ng mga awtoridad sa Pingang Ferry Terminal sa Isabel, Leyte kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Corazon Barola, re-sidente ng San Jose Prosperidad, Agusan del Sur.

Ayon kay Chief Insp. Randy Jongco, hepe ng Isabel, Leyte, mula sa Danao ang nasabing lola at balak sanang dalhin ang mga armas sa kanilang lugar sa Minda-nao.

Kuwento ng suspek, hindi ito ang unang beses na nagdala siya ng mga ilegal na armas.

Kabilang sa mga nakuha sa lola ang dalawang kalibre ng 9mm luger, dalawang kalibre .45, isang .357 revolver, isang . 22 revolver at ma-gazines.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *