Thursday , June 4 2026

Lopez pink castle mansion nasunog, 2 sugatan

ILOILO CITY – Dalawa ang sugatan sa nangyaring sunog sa Lopez Pink Castle Mansion sa Luna, La Paz, Iloilo City kamakalawa ng gabi.

Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang sponsored dinner ng pamilya Lopez sa loob ng mansiyon.

Agad nagresponde ang 10 firetrucks at naapula ang apoy bago pa tuluyang matupok ang mansiyon.

Kabilang sa sugatan ang isang bombero at isa sa mga bisita ng pamilya Lopez.

Hindi pa matiyak kung ano ang pinagmulan ng apoy at tumanggi rin magbigay ng pahayag ang isa sa mga naninirahan sa mansiyon na si Nicky Lopez.

Napag-alaman, kabilang sa agaw-atensiyon sa Lungsod ng Iloilo ang nabanggit na mansiyon dahil sa pinta nitong kulay pink.

Ito ay pag-aari ng anak ng yumaong bise presidente na si Fernando Lopez Sr., na si Fernando “Junjie” Lopez Jr., na sumakabilang-buhay na rin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …