Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tolentino Senador sa Vice Mayors

1009 FRONTPINURI ng Metro Manila Vice Mayors League ang limang-taon-pamumuno ni Chairman Francis Tolentino sa MMDA at nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura bilang senador sa 2016.

Sa isang resolusyon na pirmado ng 17 vice mayors ng Metro Manila, binanggit nila kung paano nagpakita ng liderato at commitment sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng mga programa na nagpataas ng kalidad ng pamumuhay sa kamaynilaan.

Kabilang dito ang pagbuhay sa Pasig River Ferry system, pagpapatupad ng single traffic ticketing system at paglalagay ng Southwest Integrated Bus Terminal.  

Binanggit din ng konseho ang pagsasagawa ng MMDA ng sabayang #MMShakeDrill noong July 30 na nakakalap ng 6.5 milyong kalahok at 2.1-billion impressions o views sa social media.

“Di matatawaran ang ipinakitang kasipagan ni Chairman Tolentino sa limang taon niya sa MMDA. Di naging mahirap para sa amin  na humingi ng tulong dahil alam namin 24/7 handa siya at ang MMDA para magresponde,” ani Las Piñas Vice Mayor Luis Bustamante, na kabilang sa mga dumalo nang ihayag ni Tolentino ang pagbibitiw sa isang programa sa bakuran ng MMDA.

“The MM Vice Mayors League fully supports and endorses Chairman Francis Tolentino, with his proven effective leadership and dedication to serve the public, as a candidate for Senator in the 2016 national elections,” nakasaad sa resolution.

Masaya namang tinanggap ni Tolentino ang endorsement at pinasalamatan ang vice mayors at mayors sa kanilang suporta at kooperasyon. 

“Sila ang susi sa kaunlaran ng Metro Manila. Marahil sa laki ng utang na loob ko sa kanila, kahit limang taon muli ay hindi ko sila kayang isa-isang mapasalamatan,” wika ni Tolentino.

Ang resolution ay pirmado nina vice mayors Macario Asistio III (Caloocan), Luis Bustamante (Las Pinas), Jose Fabian Cadiz (Marikina), Leonardo Magpantay (Makati), Jeannie Sandoval (Malabon), Edward Bartolome (Mandaluyong), Francisco Domagoso (Manila), Artemio Simundac (Muntinlupa), Clint Nicolas Geronimo (Navotas), Iyo Christian Bernardo (Pasig), Marlon Pesebre (Pasay), Gerald German (Pateros), Ma. Josefina Alimurung (Quezon City), Franciso Javier Zamora (San Juan), Jose Enrico Golez (Parañaque), Ricardo Cruz (Taguig) at Eric Martines (Valenzuela). 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …