Thursday , June 4 2026

4 patay, 13 arestado sa buy-bust ops ng PNP sa Bulacan

APAT ang patay habang 13 ang arestado sa buy-bust operation ng Bulacan PNP dakong 11:30 a.m. kahapon sa Sitio Crusher, Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director, Chief Supt. Rudy Lacadin, naglunsad ng buy-bust operation ang Norzagaray PNP laban sa grupo ng Eric Espinosa Drug Group na nagresulta ng ilang minutong palitan ng putok.

Sinabi ni Lacadin, bukod sa apat na namatay, nasa 13 katao ang naaresto sa nasabing operasyon.

Pahayag ng heneral, nasa proseso na ngayon ang chief of police ng Norzagaray, sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng apat na napatay.

Ayon pa kay Lacadin, walang naiulat na namatay o nasugatan sa panig ng pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …