Thursday , June 4 2026

Paghandaan ang mga darating na sakuna

EDITORIAL logoHINDI man direktang tatama ang sinasabing pinakamalakas na bagyo ng taon, nakapapangamba pa rin ang bantang idudulot ng bagyong Hanna dahil ito ang magpapaigting sa hanging haba-gat na aapekto sa maraming dako ng bansa.

Hindi na kailangan pang isa-isahing tukuyin ng PAGASA, NDRRMC at iba pang mga ahensiya ng gobyerno ang mga epek-tong idudulot ng habagat na palalakasin ng bagyong Hanna para tayo ay maghanda sa ano mang posibleng sakunang duma-ting sa atin.

Huwag na nating hintayin pang bayuhin muna tayo ng malalakas na ulan at pagbaha bago pa kumilos sa kung anong da-pat gawin.

Malaking tulong ang earthquake drill na kamakailan ay nilahukan ng ilang mil-yong Filipino bilang paghahanda sa malakas na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila. 

Ang kahandaan na pinasapol sa atin sa panahon ng nasabing drill ay aplikableng-aplikable rin sa posibleng pinsala ng bagyo.

Ihanda na ang mga gamit na kaagad na mabibitbit sa panahong kailangan nang lumikas. Hindi dapat mawala sa iyong “go bag” ang flashlight at silbato.

Ugnayan ng bawat pamilya ay  kaila-ngang paigtingin din. 

Alamin ang mga emergency number na maaaring tawagan.

Mas mabuti na ang naghahanda at nauuna kaysa magsisi sa huli.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …