Thursday , June 4 2026

Chiz nagbitiw sa 2 Senate committee

NAGBITIW sa puwesto si Sen. Chiz Escudero bilang chairman ng Senate Finance Committee at co-chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures dahil sa delicadeza.

Inihain ni Escudero ang pagbibitiw kay Senate President Franklin Drilon at agad na magiging epektibo.

Nais ni Escudero na hindi mabahiran ng politika ang nalalapit na pagtalakay ng panukalang General Appropirations Act o 2016 national budget.

“I believe that it behooves me to step down at this juncture to ensure that deliberations on the General Appropriations Bill (GAB) – considered the single most important piece of legislation passed by Congress each year – are untainted by suspicions or perceptions of partisan politics,” ayon kay Escudero.

Wala pang pormal na anunsiyo si Escudero kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon ngunit lumulutang ang sinasabing tambalan nila ni Sen. Grace Poe sa 2016 national elections.

Niño Aclan/Cynthia Martin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …