Thursday , June 4 2026

Nang-agaw ng nobya negosyante tinodas

HINIHINALANG babae ang dahilan kaya pinagtulungang saksakin ng dalawa katao ang isang negosyante sa Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. 

Sa ulat mula sa Sta. Maria Police, apat na saksak ang tumapos sa buhay ni Noel Pabolayan, 41, vegetable dealer at nakatira sa nabanggit na barangay. 

Agad naaresto ng pulisya ang mga suspek na sina Leomar Rebellion, 28, ng Brgy. Santa Cruz; at Rolly Dayono, 30, ng Brgy. Poblacion, sa nasabing bayan. 

Ayon sa ulat mula kay Supt. Rodolfo Hernandez, hepe ng pulisya rito, kinilala ang mga suspek makaraan marekober ang cellphone ng biktima na nakasaad ang relasyon ng negosyante sa ka-live-in ni Rebellion. 

Sa isinagawang  interrogasyon kay Rebelllion, inamin niya ang pagpatay sa biktima dahil inagaw ng negosyante ang kanyang nobya.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …