Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi

Ivana ipinagsigawan: ‘Di ako pinalaki para manira ng pamilya

MA at PA
ni Rommel Placente

PARANG pagsagot na rin daw sa isyung kinasangkutan ang ginawang lie detector test sa latest vlog ng actress at sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Nitong nakaraang buwan lang nang maging hot issue at kontrobersiyal ang pagdawit sa pangalan ng aktres sa reklamong Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na inihain ni Dominique ‘Nikki’ Benitez laban sa dating asawang si Cong. Albee Benitez na inuugnay nga na may relasyon kay Ivana. 

Sa lie detector test ni Ivana kasama ang inang si Fatima Marbella (Mama Alawi) at ang kapatid na si Hash Alawi ang sumalang.

Kabilang sa mga tanong kay Ivana ng nakababatang kapatid na si Mona ay “Ikaw ba ay nanira ng pamilya?”

Kaagad na sumagot ang aktres ng, “no.”­ At ang resulta ng lie detector machine, “‘truth.’”

Katwiran ni Ivana: “Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect family, kasi kami nga broken family. Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala eh,” pagdidiin pa niya. 

Kaya hindi man diretsahang sinagot ni Ivana na wala siyang kinalaman sa sigalot sa pamilya Benitez ay obviously pagtanggi na rin ito sa kaniyang involvement sa issue.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …