MA at PA
ni Rommel Placente
DAHIL sa init ng panahon at ipinatutupad pa ng Meralco ang rotational brownout kaya nagrereklamo si Jessa Zaragoza.
Post ni Jessa sa kanyang FB account, “So confirmed na ba na araw araw na talaga mamamatay ang kuryente natin sa ating mga tahanan??! Rotational brownout ng Meralco.
“Hanggang kailan?! Kung kailannI napaka sukdulan ng init ang panahon. Hay…,” desmayado pang say ng mahusay na singer.
Ngayong Mayo ay nakararanas ng matinding init ng panahon ang buong bansa na pumapalo na nga sa danger level ang heat index. Itinuturo rin itong dahilan kung bakit isa-isang nagkakaroon umano ng pagkasira ang mga power plants na pinagkukunan ng Meralco ng supply ng koryente.
Naka-relate naman kay Jessa ang mga netizen sa kanyang post dahil sila rin ay apektado ng scheduled brownout sa buong bansa upang hindi umano magkulang ang supply ng koryente.
Ilan pa nga sa kanila ay tila kinantahan na lang siya para mabawasan ang init ng ulo.
“Parang ‘di mo na po kaya, Ms. Jessa? Thinking of Jayda right now ngayong brownout.”
“Dibat ikaw ang siyang nagmulat sa aking mga mata Dibat ikaw ang nagbigay sa akin nang saya (KURYENTI).”
“Kaya nga po eh. Sinong aking tatawagin? Sinong aking hahanapin?”
O ‘di ba, ‘yung lyrics ng kanta ni Jessa na Bakit Pa ay ikinonek sa brownout?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com