Friday , June 19 2026
Jillian Ward

 Jillian pwede nang magka-BF

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG binansagang Star of the New Gen na si Jillian Ward ang  isa sa bagong hurado sa The Clash Teens ng GMA 7.

Sa tanong kay Jillian kung gaano siya ka-excited sa bagong role sa kanyang career ngayon bilang isa sa hurado ng  all-original Filipino singing competition, anito, “Ako, I’m very very excited talaga. First time kong magdya-judge. And ako kasi ang binabantayan ko rito kung paano nila (clashers)ie-express ang mga sarili nila. Kung paano nila gagawin ‘yung pag-i-story telling onstage.

“Ang sobrang nakae-excite kada may bagong clasher na papasok, kasi iba-iba ‘yung mga kwento na ipinakikita nila on stage.

“Ako naman, para nila akong ate. Kasi, I mean, I started very young. So alam ko ‘yung  struggles ng pagiging child star tapos teen ager.

“Mostly kasi ‘di ba, kapag teen ager tayo, nandiyan ‘yung self-doubts?

“‘Yun din talaga ang maio-offer ko sa kanila, kung paano nila  i-build ‘yung mga confidence nila at maging proud sila sa mga sarili nila,”aniya pa.

Samantala, dahil hindi na nga child star si Jillian, isa na siyang dalaga, ready na ba siyang magkaroon ng boyfriend?

Tugon ni Jillian, “Alam n’yo po, I think puwede naman po siguro, no? Twenty-one na po ako. Puwede na po siguro.

“Actually, ‘yung mama’t papa ko po, open na po sila. Hindi naman po ako in my 20s forever. So, gusto ko rin po ma-enjoy ‘yung pagiging young ko, ‘yung pagiging 21 ko.

“Yes! I’m open naman po na maging happy na kiligin. Sana ano…tanggapin niyo ‘yun!” ang natawang sabi pa ni Jillian.

Magsisimula na ang The Clash Teens sa June 7, Sunday, sa GMA 7, directed by Louie Ignacio and hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Cita Astals Vandolph Quizon

Vandolph tiniyak suporta kay Cita Astals

RATED Rni Rommel Gonzales SINABI ni Vandolph Quizon na hanggang ngayon ay pamilya ang turingan nila ng …

Vince Maristela Rak Rak - Sense of Love

Sparkle artist Vince Maristela pang-internasyonal na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang pam-Pilipinas, pang-international din ang datingan ng male Sparkle artist na si Vince …

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe …

JMRTN Ima Castro Faith Cuneta

JMRTN magtatanghal kasama sina Ima at Faith  

MATABILni John Fontanilla FRESH mula sa successful Pinoy Music Power concert series sa Toronto Canada ng tinaguriang …