Thursday , June 4 2026

Suspek na sangkot sa Bilibid narcotics ring arestado

CEBU CITY – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 ang isang 26-anyos suspek sa drug buy-bust operation sa Brgy. Caretta, Cebu City nitong Miyerkoles ng gabi.

Nakompiska ng mga tauhan ng PDEA ang 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.68 milyon mula sa suspek na si Jovannie Llego.

Ayon kay Leia Albiar, spokesperson ng PDEA Region 7, ang suspek ay konektado sa isang nagngangalang Edjun Arcilla, na nag-o-operate ng drug business mula sa kanyang selda sa New Bilibid Prisons.

Inamin ni Llego, nagtatrabaho siya sa illegal drug trade sa nakaraang limang buwan.

Siya ay dating service crew sa isng mall sa Cebu City ngunit napilitang magtulak ng droga dahil sa kahirapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …