Thursday , June 4 2026

Kita sa PAGCOR ilalaan sa health, education sector

ANG health at education sector ang makikinabang nang malaki sa malilikom na kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Ito ang inihayag ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga dumalo sa kanyang thanksgiving party sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa incoming president, gagamiting pambili ng mga gamot at karagdagang kagamitan sa ospital at mga paaralan ang perang malilikom mula sa Pagcor.

“I will commit all earnings sa Pagcor which runs to billions. Ibigay sa mga ospital, para sa hospitalization,” saad ni Duterte.

Ipinangako rin ng outgoing Davao City Mayor na magpapatayo siya ng national high schools sa mga barangay na may 25 hanggang 30 estudyante.

Ayon kay Duterte, hindi na kailangang maglakad ng 20 hanggang 30 kilometro ang mga mag-aaral para lamang makapasok sa paaralan dahil siya na mismo ang magpapatayo ng National High School.

Matatandaan, bukod sa mga classroom, kulang din ang mga eskwelahan sa bansa lalo sa malalayong lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …