Monday , December 23 2024

Gawad KWF sa Sanaysay, bukás na para sa mga lahok

Tumatanggap na muli ng mga lahok ang Komisyon sa Wikang Filipino para sa Gawad KWF sa Sanaysay na kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wika ng Karunungan.

Hinihimok ang lahat ng magpadala ng mga orihinal na sanaysay na may pagtalakay sa larang ng agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o kaugnay nito na nakasulat sa wikang Filipino. Kinakailangan din itong sumunod sa mga tuntunin ng KWF Manwal na Masinop na Pagsulat.

Tatanggap ang mga magwawagi ng sumusunod: PHP30,000.00 at titulong Mananaysay ng Taon para sa unang gantimpala, at magkahiwala na PHP20,000.00 at PHP15,000.00 para sa ikalawa at ikatlong gantimpala.

Maaaring ipadala ang lahok sa Gusaling Watson, Daang J.P. Laurel, San Miguel, Maynila.  Ang huling araw ng pagpapasa ay sa 8 Hulyo 2016, 5nh. Para sa karagdagang detalye, maaaring bumisita sa kwf.gov.ph, o tumawag sa 736-2519.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *