Monday , December 23 2024

K-12 program ng DepEd ‘di basta maibabasura

DAGUPAN CITY – Iginiit ng Department of Education (DepEd) Dagupan, hindi basta matatanggal ang implementasyon ng K-12 Program ng ahensiya sa kabila ng pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na nais niyang alisin ang naturang programa.

Ayon kay Madam Maria Linda Ventinilla, hepe ng School Governance and Operations Division ng DepEd Dagupan, nakapaloob sa isang batas ang K-12 Program kaya’t hindi ito madaling buwagin ng sino man kahit pa ang susunod na pangulo.

Paliwanag niya, may tamang prosesong dapat pagdaanan bago maipatigil ang implementasyon ng programa lalo’t pinag-aralan itong mabuti bago naipasa.

Dahil dito, nanindigan ang opisyal na magpapatuloy pa rin ang kanilang paghahanda dahil makatutulong ito sa edukasyon ng mga kabataan sa Filipinas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *