Friday , May 3 2024

Leni suportado ng gambling lord? (Biggest spender)

TALIWAS sa kanyang pagiging simple, natukoy na si vice presidential candidate Leni Robredo ang may pinakamalaking ginastos sa kanyang kampanya kung ikokompara sa lahat ng kandidato sa pagkapresidente.

Kamakailan, lumabas sa  ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sinasabing ayon sa Nielsen Media’s monitoring data, nanguna sa paggastos sa advertisement si Robredo mula nang magsimula ang kampanya noong Pebrero 9 hanggang Marso 30, 2016.

Lumilitaw na P237.2 milyon ang nagastos ni Robredo sa advertisement placements sa loob lamang ng 50 araw. Ang bill nito ay nasa 43.63 porsiyento ng kanyang puwede lamang gastusin sa buong halalan.

Pumutok na rin ang ulat na hinihinalang sinusuportahan ng malalaking gambling lord si Robredo makaraang iendoso ni Pampanga Gov. Lilia Pineda kasabay ng pangako ng solidong boto ng probinsiya para sa LP, na may 1.2 milyong registered voters.

Si Pineda ay asawa ni Rodolfo “Bong” Pineda,  hinihinalang jueteng lord sa Pampanga.

Hindi  binanggit ni Leni sa publiko ang dahilan ng kanyang pakikipag-alyansa kay Ginang Pineda  gayong alam naman niya  na ang mister nito ay may koneksiyon sa jueteng. Tahimik rin si Leni sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang suporta ng pamilya Pineda.

Taon 2012, sa harap mismo ni Gov. Pineda ay iniutos ni dating DILG secretary Mar Roxas ang  pagsugpo ng jueteng sa Pampanga pero ngayong eleksiyon ay nakitang nakipag-alyansa na ang pamabato ng administrasyon sa mga Pineda, ayon sa  mga Pampangueño.

Pinangangambahang magpatuloy na maging “untouchable” ang mga Pineda kapag si Leni umano ang nagwagi sa halalan dahil sa kulturang utang na loob ng mga Filipino.

Sa 2014 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN),  idineklara ni  Robredo na mayroon lamang siyang P8 milyon networth kung kaya sinabing isa siya sa pinakamahirap na miyembro ng Kamara.

Sumunod na biggest spender si  Sen. Francis Escudero na P236.2 milyon. Pumangatlo si Senador Allan Peter Cayetano na  gumastos ng P172.4 milyon sa loob din ng 50 araw.

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *