Thursday , June 4 2026

Senior Citizens solid kay Abby

SUPORTADO ng halos 80,000 senior citizens ng Makati City and kandidatura ni Rep. Abby BInay na tumatakbong alkalde ng lungsod.

Kilala ang pamilya Binay sa kanilang mga programa para sa mga nakatatandang kasapi ng komunidad sa Makati at isa ito sa dahilan nang kanilang tagumpay sa mga nakaraang halalan.

Isa sa tampok na programa ni Binay ang pagkakaroon ng Home Care para sa senior citizens sapagakat marami sa kanila ang hindi na kayang pumunta sa mga hospital o health center.

Sa ilalim ng programa, may mga doktor at nars na sila mismong umiikot sa siyudad upang tingnan ang kalagayan ng mga may edad para agad malapatan ng serbisyong medikal.

“Mahigit 80,000 ang senior citizens ng Makati sa taong ito. We need to make health services accessible. Tayo dapat ang lumapit dahil marami sa kanila ang hirap na lumakad, ang hindi makakita, ang ilan, hindi na nga makatayo,” ani Binay.

Isa sa pangmatagalang programa niya ang pagkakaroon ng retirement home o home for the elderly nang sa ganoon ay maibsan na rin ang bilang ng mga nagpapagamot sa Ospital ng Makati o Osmak.

Layunin din ni Binay na magkaroon ng sariling pasilidad medikal ang senior citizens upang hindi na sila makisabay pa o makipagsiksikan sa mga mas nakababatang pasyente sa mga pagamutan.

“Ang gusto ko, specialized medical care doon sa mga hindi na kayang alagaan sa kanilang mga tahanan.  May doctor, may nurses, may caregivers.  Tunay na kalinga para sa matatanda,” paliwanag ni Binay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …