Thursday , June 4 2026

Suspek sa kidnap plot vs Kris Aquino arestado sa Laguna

ARESTADO ang isang hinihilang terorista na sinasabing sangkot sa planong pagpapa-sabog sa Metro Manila at tangkang pagdukot sa presidential sister na si Kris Aquino, sa inilunsad na pagsalakay ng intelligence operatives ng PNP at AFP.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Vasquez Ilao, residente ng Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna.

Batay sa report, sinalakay nang pinagsanib na puwersa ng CIDG at Intelligence Service ng AFP ang bahay ng suspek noong Abril 26 at nakompiskahan siya ng .45-caliber pistol at granada.

Ayon sa mga awtoridad, si Ilao ay miyembro ng Rajah Sulayman Movement sa pamumuno ni Mikhail Abrera alias Abdul Asiz na naaresto sa isang checkpoint sa Zamboanga City noong Abril 16.

Napag-alaman, plano nila Ilao at Abrera na magsagawa ng pagpapasabog sa Metro Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …