Friday , November 7 2025
Manny Pacquiao MannyPay

Manny sa flood control projects: Noon ko pa isinisigaw ‘yan na-bash pa ako

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pakikipag-usap namin sa Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao, sa launching ng bago niyang business, ang Manny Pay, na isang online payment service app, ay kinuha namin ang reaksiyon niya tungkol sa mainit pa ring usapin sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sabi niya, “Sinabi ko na naman ‘yan noon. Noong araw ako nagsisigaw sa taumbayan. Sinasabi ko palagi na grabe ang korapsiyon, times two, times three. May naniwala ba sa akin?” ang pahayag ni Manny.

Pagpapatuloy pa niya, “Actually, na-bash pa nga ako noong nag-comment ako na grabe ang korakpsiyon.

“Wala akong nagawa. Ang ginawa ko, nag-pray ako sa Panginoon, na lalabas lahat ng katotohanan, lalabas lahat ng baho ng magnanakaw.

“Hayun, naglabasan nga ang lahat. Walang usok na…lahat ‘yan, lahat tayo ay haharap sa government, sa taumbayan, at higit sa lahat haharap tayo sa Panginoon,” aniya pa.

Samantala, tungkol  naman sa Manny Pay, ayon kay Manny, mas mura ang fees sa paggamit na naturang app under 7th Pillar.

We are not trying to compete with G-Cash. We are trying to lessen the burden para mas madali ‘yung pag-process ng mga payment, makatulong din sa taumbayan.

“Mas mababa rin kami. Secured na ito kasi bago ang technology. ‘Yung system upgraded na siya so, ‘di basta-basta maha-hack. ‘Yung old system ‘yung gamitin mo, mag-a-upgrade ka pa,” paliwanag pa niya.

The Manny Pay app, which initially operates as a payment gateway, will soon evolve into a full-fledged e-wallet and remittance service,” ayon naman kay 7th Pillar president and CEO Marc Bundalian.

It’s definitely going to be an e-wallet but right now we’re a payment gateway,” aniya pa.

Kuwento naman ni Pacquiao tungkol sa bago niyang business, “It started when we ate at a restaurant and someone asked, ‘Who’s gonna pay?’ Then they said, Manny Pay.”

Pagsang-ayon ni Bundalian, “It came up because of that dinner. and Manny always pays. Our business is an IT company, and all our developers are local Filipinos. Tatak Filipino talaga ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …

Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga …

Leah Navarro Richard Reynoso Gino Padilla OPM Then and Now

Leah, Richard at Gino, tampok sa “OPM: Then & Now” sa Music Museum sa Nov. 6

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SPECIAL guests ang mga premyadong mang-aawit na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEXni Jun Nardo WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges …

Anjo Yllana Tito Sotto

Tito Sotto deadma sa pagngawngaw ni Anjo

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa …