Tuesday , November 11 2025
Lee Victor Anton Vinzon PBB Collab

Lee Victor at Anton Vinzon nagkapikunan

MA at PA
ni Rommel Placente

MAPANG-ASAR pala si Lee Victor, huh! Muntik na ngang mapikon sa kanya ang co-housemate niyang si Anton Vinzon. Mabuti na lang at nagtimpi ito.

Sa isang episode kasi ng isang reality show ay nag-aktingan sina Marco Masa at Anton.

Bahagi ng dialogue ni Anton kay Marco, “Bakit may pera ka ba? Wala akong paki kung matalino ka  rito. Ang importante kung may pera ka. Pwes! Ako ang may-ari ng school na ‘to, sino ka ba?”

Sagot naman ni Marco, “Pera  lang pala ‘yung mahalaga sa yo.”

Pagkasabi niyon ay biglang sumabat si Lee.

Lumapit ito kay Anton, sabay sabi rito ng, “Oy, oy, puno wallet niya, pero ang utak.”

Na parang sinasabi ni Lee na mapera nga si Anton, pero wala naman itong utak.

Si Anton, kahit halatang napikon, hindi niya pinatulan si Lee. Tumango-tango na lang ito. 

Pero nag-dialogue siya sa mga co-housemate niya na naka-witness sa sinabi ni Lee na, “That’s off. Bro, grabe ‘yun.”

Si Marco naman, sinabihan si Lee ng, “Doon ka sa far away.”

Maraming netizen ang hindi natuwa sa ginawa ni Lee kay Anton.

Sabi ng isa, “Nakaka-off talaga ‘yun kasi hindi naman kasali si Lee sa aktingan nila, tapos babanat siya ng ganoon.”

Ayon naman sa isa pa, “sino ba matutuwa sa sinabing ‘yun? Parang sinabi na bobo ka. Masama na biro ‘yun. Bakit matalino ka ba Lee?”

“Malaki ang potential ni Lee as first evictee,” reaksiyon naman ng isa pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …