Wednesday , November 12 2025
Sahara Bernales The Marianas Web

Sahara Bernales, nanggulat sa pelikulang “The Marianas Web”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Si Sahara Bernales ang isa sa mapapanood sa pelikulang “The Marianas Web” na pinagbibidahan ng Filipino-Italian actor/director na si Ruben Soriquez. 

Ito bale ang unang pelikula talaga ni Sahara bago pa siya napanood sa mga sexy genre ng Vivamax and VMX at naging talent ni Jojo Veloso. Naalala namin na isa si Sahara sa present nang nagpa-audition si Direk Ruben noong 2022 para sa project na ito.

Ayon kay Sahara, after ng ilang months mula nang siya ay nag-audition, nagulat siya nang ipatawag para sa pelikulang ito.

Aniya, “Sabi sa akin after ng audition, co-contact-in na lang daw ako, madalas kasi ganoon ang sinasabi hindi ba? Kaya akala ko wala na iyon. Pero after seven months yata, nakipagkita sa akin si direk Ruben at pina-sign niya ako ng contract.

“Noong mga time na iyon, akala ko ay raket-raket lang iyon at hindi ko ine-expect na ipalalabas pala iyon sa mga sinehan.

“Alam ko na movie ito, pero akala ko sa mga apps lang ipalalabas. Hindi ko in-expect na sa cinema pala at pati sa international ay ire release ito.”

Nabanggit niya ang role sa kakaibang sci-fi/horror thriller movie na ito.

“Kakaiba po ang role ko rito, compared sa mga napapanood sa akin sa VMX. Dito ang role ko ay strong personality ako rito. So. Mamamatay tao ako rito, ako ‘yung killer sa movie. Hindi katulad sa mga usual na napapanood sa akin sa VMX na sweet girl o probinsiyana. Dito po ay kakaiba talaga, kaya watch n’yo po ang movie namin.”

Pahabol ni Sahara, “Actually dalawang role ang pinagpipilian ni Direk Ruben para sa akin, iyong killer or si Mariana.”

Bukod kina Ruben at Sahara, tampok dito sina Alexa Ocampo, Asia Galeotti, Luca Biagini, Andrea Dugoni, at iba pa. Mula sa pamamahala ng Italian director na si Marco Calvise, palabas na ang pelikula sa mga sinehan, ngayong October 15.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …