Thursday , June 18 2026
Richard Quan ROB the Firipins Nijel de Mesa

Richard Quan nag-enjoy sa pelikulang  “ROB the Firipins” ni direk Nijel de Mesa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKITA namin ang FB post ni Richard Quan ukol saTV series na “A Secret in Prague” na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Kaya inusisa namin ang mahusay na aktor kung kasali na rin ba siya sa cast nito.

Tugon sa amin ni Richard, “Guesting lang iyong sa Prague… sa Sigabo ako cast.”

Natanong namin si Richard kung nagkaeksena ba sila rito ni Direk Ruben Maria Soriquez, dahil marami rin silang pinagsamahang project?

“Off cam ‘yung scenes namin, pero nagkita kami sa set,” matipid na tugon pa ng aktor.

Nakita rin namin sa kanyang Facebook account na may project siya kay direk Nijel de Mesa na siyang top honcho ng NDM Plus, tungkol saan ito?

Aniya, “Iyong kay direk Nijel, ang title nito ay ROB the Firipins. Isa itong dark comedy, about sa tatlong magkakaibigan na napunta sa ‘what if sinakop tayo ng mga hapon mula 1940s up to now’. Interesting siya, maikokompara mo sa ‘Pinas ngayon – tina-tackle rito ‘yung disiplina, corruption, etc, etc… In a way na light and comedy.”

First project ba niya ito kay direk Nijel at ano ang masasabi niya sa prolific na director at sa kanilang movie?

“Yes first project, pero last year pa namin plano to work together.

“Sobrang fun ‘yung Japan shoot… Mabilis magtrabaho si direk Nijel… Baka mayroon ulit kaming gawin. And dark comedy kasi siya, kaya exciting para sa akin iyong project na mayroong isang character na pagdaraanan ‘yung mga social issues na mayroon tayo ngayon.”

Pagpapatuloy pa ni Richard, “Sina Robert Seña at Anthony Ocampo ang co-actors ko sa movie, plus mga actors ni Direk Nijel sa Japan. Pero mayroon pang shoot here sa ‘Pinas, mga one to two days pa.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe …

JMRTN Ima Castro Faith Cuneta

JMRTN magtatanghal kasama sina Ima at Faith  

MATABILni John Fontanilla FRESH mula sa successful Pinoy Music Power concert series sa Toronto Canada ng tinaguriang …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal

Atasha Muhlach magbibida sa Bongga Ka ‘Day Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DESMAYADO ang fans ng isang singer-actress dahil hindi ang idolo nila ng nakuhang female …