ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NILALANGGAM ang pagiging sweet ng magdyowang sina Robb Guinto at Yasser Marta. Ang dalawa ang bida sa pelikulang “Desperada” na showing na ngayon sa mga sinehan.
Sa isang panayam sa kanila, makikita si Yasser na sinisinghot-singhot ang kili-kili ni Robb.
Ayon kay Yasser, hilig daw niya talagang amuyin ang kili-kili at singit ng kanyang GF.
Nang usisain namin si Robb ukol dito, ito ang tugon niya sa amin: “Hehehe, opo fave part niya talaga iyong kili-kili ko.”
Ano ang reaction niya kapag ginagawa ito ni Yasser?
Sagot ng aktres, “Nakakatuwa lang, kasi hindi siya maarte. Ako pa nga mismo ang naiilang, e.”
Anyway, sa pelikula ng award-winning director na si Louie Ignacio na Desperada, makikita rin ang maiinit na eksena nina Robb at Yasser.
Pinagbibidahan ito si Robb, bilang isang babaeng biktima ng pananamantala na kinupkop sa isang mental asylum.
Markado rin ang papel ni Yasser dito na nanalo bilang Best Supporting Actor sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival.
Nalaman din namin kay Robb na ang directors’s Cut ng Desperada ay mas bold, kaya hindi maipalalabas sa SM cinemas.
Aniya, “Ang rating po ng movie ay R-18, mapapanood po ito sa Robinsons at Ayala malls, or lahat ng malls except sa SM po.”
Pakli pa ni Robb, “Mas bold po itong directors’s Cut ni direk Louie, kaya ganoon po ang rating.”
Handog ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino, tampok din sa pelikula sina Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Julianne Richards, Adda Musni at Jorge Guda.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com