Sunday , November 16 2025
Xian Gaza John Lloyd Cruz Ellen Adarna Derek Ramsay

Ellen kay Xian: ‘wag ismolin yaman at kakayahan si Biogesic

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY isa pang post si Xian Gaza na idinaan sa blind item. Pero obvious naman na ang tinutukoy niya ay sina Ellen Adarna, John Llod Cruz, at Derek Ramsay.

Post ni Xian, “Si JL hindi niya pinakasalan kasi wala siyang mapapala. Ang makukuha lang niya ay kalahati ng lupa sa paso at limang banig ng Biogesic.

“Pero etong isa, pinakasalan niya agad-agad after a few months of relationship. Pinagplanuhan. Mautak.”

Siyempre pa, nang makarating ito kay Ellen, ay nag-react siya sa pamamagitan ng kanyang IG Story.

Dito ay nabanggit ni Ellen ang dahilan kung bakit hindi nauwi sa kasal ang relasyon nila ni John Lloyd.

Taliwas ito sa sinasabi ni Gaza na walang ari-arian ang aktor na maaaring makuha ni Ellen.

Post ni Ellen, “Daming nag-tag. Kailangan ko na ng Biogesic.

“Paano ko naman pakasalan, eh, hindi naman nag-propose?”

Dugtong pa ni Ellen, hindi dapat iniismol ang kakayahan at yaman ni John Lloyd.

And huwag mong ismolin si Biogesic, because simple lang siya. Ikaw you don’t know, but ang assets noon, I know! You know?”

“At kung maki-marites na rin lang, at least get everything right, like everything.

“Mahirap naman sabihin na unreliable source, and I’m a liar.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …