Sunday , June 22 2025
Euleen Castro Ogie Diaz

Ogie nagpaalala sa food vlogger: ‘wag sirain ang negosyo

MA at PA
ni Rommel Placente

BINA-BASH ngayon ang content creator na si Euleen Castro dahil sa ginawa niyang food review sa isang coffee shop sa Iloilo.

Bukod sa mga netizen ay nag-react din ang ilang celebrities, tulad ni Ogie Diaz, sa panlalait ni Euleen na kilala rin bilang Pambansang Yobab, sa mga nilafang niyang pagkain sa pinuntahan niyang coffee shop.

Sa isang TikTok video, makikita na umorder si Euleen at ang kanyang mga kasama ng pastries at drinks pero hindi niya raw feel ang lasa ng mga ito.

Nag-try kami rito sa Coffeebreak. Andami. Out of all of you, all of you (mga inorder na food) walang masarap. Even the drinks. Even the lasagna. Lahat tabang. Ang dami n’yo riyan, walang masarap sa inyo? Ni isa? P*ta,” ang bahagi ng review ni Euleen.

O ‘di ba,napamura pa si Yobab?

Kasunod nga nito ay ang pambabatikos sa kanya ng ilang grupo from the business sector, pati na ng mga kapwa niya content creator at ilang local officials sa Iloilo.

Sa Facebook page naman ni Ogie, nagbahagi siya ng mahabang post na may kaugnayan sa kinasasangkutang isyu ni Euleen.

Si Enchong Dee ang nagturo sa akin na, ‘Pag hindi ka nasarapan sa pagkain, ‘wag mong i-post na hindi masarap. Sabihin mo lang, hindi nakapasa sa panlasa mo. Kasi, hindi naman magkakapareho ang taste buds natin. Pwedeng hindi masarap sa ‘yo, pero sa iba, masarap.’

Hangga’t kakayanin, hindi tayo para manira ng negosyo, lalo na sa food business. At online food delivery. Basta ‘pag pinadadalhan ako para matikman ang kanilang produkto, thank you.  Pero ‘pag ‘di ko type ‘yung luto o ‘yung lasa, pina-private message ko at nagsa-suggest ako,” simulang pahayag ni Ogie.

Patuloy pa niya, “Siyempre, iniisip ko rin, baka roon sa negosyong ‘yon humuhugot ng pambayad ng koryente at tubig ‘yung tao o kaya ay pang-tuition ng anak, nagpapa-sweldo sa mga tauhan, tapos, sisirain ko lang?  ‘Wag. Hindi tama.

Kung hindi masarap, dini-DM (direct message) ko para i-improve niya. Juice ko, sa panahon ngayon na me mental health na inaaalala ang mga tao sa kanilang sarili, baka ‘yun pang post mong ‘hindi masarap ‘yung luto o lasa ng pagkain mo, ‘yun pa ang maging sanhi ng kanyang mental health issue, ‘di ba?” paalala pa ni Mama Ogs.

Ang suggestion pa ng content creator, “Kaya sabihin nang maayos. Hindi naman porke nagbayad ka ay lahat ng karapatan ay nasa ‘yo na para laitin ‘yung kinain mong ‘di ka naman nasarapan.

“Tulungan mo ‘yung negosyong mag-improve at lumago para mas marami pa itong matulungan.

“Mayroon nga akong isang coffee shop na laging pinupuntahan (hindi ang High Grounds, ha? Lagi rin kasi akong nakikita rito, kasi masarap naman talaga ang kanilang food, lalo na ‘yung US porkribs?  Ay, punyeta sa sarap!).

“‘Yung sa tinutukoy kong coffee shop, gusto ko ‘yung ambiance, ‘yung sobrang accommodating ng mga staff. ‘Yung food nila, masasarap din.  Pero grabe na ‘yung mga presyo — pang-fine dining na.

“Sabi ko roon sa isang staff, ‘Alam n’yo lumampas na sa 500 ang presyo ng pasta, pero nabawasan naman ang lasa. Mas masarap siya noong 345 pesos pa lang. Ba’t ganoon? At saka ‘yung kani salad, puro carrots na lang, nawala na ‘yung kani.

“In fairness to them, it’s either palitan nila o hindi nila pabayaran. Alam nilang valid ‘yung complaint ko at sasabihin daw nila sa branch head. In fairness, pagbalik mo, okay na, masarap na uli,” aniya pa.

Palagi raw iniisip ni Mama Ogs na maraming umaasa sa negosyo, “So help them sell, make profit at kung may kapalpakan, mag-suggest, ‘wag sirain ang negosyo.

“‘Yung ipinadadalang food sa amin, ‘pag nasarapan kami, aba, next time around, umoorder na kami, nagbabayad na kami. Although ‘yung iba nag-i-insist na ‘wag ko na raw bayaran, dahil malaki ang naitulong ng post namin sa kanilang negosyo.

Believe

“Anyway, sabi ng isang friend ko, ‘Dapat, nagpapabayad ka ‘pag ipino-post nila ‘yung mukha mo na sarap na sarap na kinakain ang produkto nila.

“Hindi po ako nagpapabayad. Nagpapaalam naman sila. Ipinakikita ko ‘yung mukha ko ‘pag sarap na sarap ako.  Kasi masarap naman talaga. ‘Yung next order namin after the free taste, binabayaran ko na para naman makatulong sa kanilang negosyo.

“Ang lagi ko lang bilin sa kanila, be consistent.  Hindi ko naman kasi alam kung ‘yung delivery lang sa akin ang sinarapan, pero ‘pag iba na ang umorder, nabawasan na ang sarap. 

Hehehe,” sey pa ng talent manager.

Sa huli, muling nagpaalala si Ogie, “O, basta roon sa vloggers/influencers na nagpu-food review, ‘pag ‘di nasarapan,  tawagin ‘yung staff at sabihin nang maayos ang complaint.

“Hindi porke may platform ka eh dapat ka nang katakutan, dahil kilala kang nagsasabi ng totoo.

“‘Di ba pwedeng magsabi ng totoo at mag-suggest sa mismong may-ari o staff off cam? Hindi lahat sana for the views,” mariin pa niyang pahayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Marian Rivera Pokwang Jay Joseph Roncesvalles

Marian, Joseph, at Pokwang hurado sa isang dance competition

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama …

Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang …

SB19

SB19 hakot award sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards Japan  

MATABILni John Fontanilla BIG winner sa Music Rank Asian Choice Awards Japan 2025 ang tinaguriang King of …

Kyline Alcantara Ruffa Gutierrez

Kyline life lesson mula kay Ruffa: always choose yourself

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Kyline Alcantara sa GMA 7. Ito ang Beauty Empire, na …