MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Yen Santos kung gaano siya naapektuhan sa pagkakadagdag noon ng kanyang timbang.
“Last year, I gained so much weight that I barely recognized myself. It was the heaviest I’d ever been and honestly, I couldn’t even look at myself in the mirror,” panimula ni Yen.
Papatuloy pa niya, “I just didn’t like what I saw. Nothing fit anymore! and the frustration started to weigh heavier than the actual weight.”
Kuwento ni Yen, ginawa na raw niya ang lahat ng pagda-diet at workout ngunit walang nagiging progress ang kanyang mga ginagawa.
Kaya naman napagdesisyonan na ng aktres na kumonsulta sa espesyalista para makabalik sa dati niyang katawan.
“Grabe! first week pa lang, I lost 3 kgs agad! Since then, I’ve just been feeling better and better. From 72 kilos to 51 kgs in 2 months, and more importantly, I’ve found the confidence I lost along the way,” pagbabahagi ni Yen.
Sa kabila ng kanyang pagpapapayat ay hindi pa rin nagtatapos ang kanyang effort na magbalik sa dating pangangatawan.
“It’s still a journey, but now I know I’m finally on the right path with the right people,” sey pa ni Yen.
Kasabay ng kanyang pagiging bukas sa pinagdaanang weight gain, nagbabalik na si Yen sa showbiz, matapos ang ilang taong nawala sa limelight.
Sa isang Instagram post, ibinandera niya ang isang behind-the-scene photo na tila sumalang siya sa isang taping.
Wala siyang idinetalye kung ito ay teleserye, pelikula o commercial, pero aminado siyang masaya siya kanyang pagbabalik.
Ang huling proyektong ginawa ni Yen ay ang 2021 film na, A Faraway Land kasama si Paolo Contis.