Thursday , March 20 2025
Subtext NDM Njel De Mesa Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles Jiro Custodio

Direk Njel hinarap paggawa ng play, mga kanta orihinal

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAITUTURING na experimental sa approach niya ang award-winning international director na si Njel de Mesa.

Ang mga natutunan niya sa pagsisimula sa teatro ay nabibigyang buhay niya sa mga pelikulang ginagawa na karamihan ay sa ibang bansa pa kinukunan.

Sa mga nagawa niyang play, itong SubText (na nagsimula rin sa isang dula) na nagtamo ng Parangal sa Don Carlos Palanca Awards for Literature ang ginawa niyang musical. 

At umiikot nga sa itinatag niyang produksiyon, ang NDM  Studios at One Acts Theater Production ang mga pinuhunanan niyang pelikula na karamihan ay nagtampok sa kanyang kaibigan na si Arci Muńoz.

Dating nasa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) si Nijel. Pero dahil mas kinailangan ng kanyang mga proyekto ang panahon niya, nagpaalam muna ito sa kanyang boss na si Chair Lala Sotto.

At ngayon ngang hinarap naman niya ang paggawa ng musikal, kinailangan ding mag-focus sa mga orihinal na kantang ginamit sa palabas. Gaya ng Ayoko Na, Ewan Ko, Talo, Meron Din Kaya, at Hindi Ikaw.

Naanyayahan kami ni Direk Nijel na panoorin ang pelikula sa Sikat Studios.

Intimate. Maliit na venue. Sa ikalawang Sabado ng pagtatanghal, excited ang mga manonood dahil sa magagandang review.

Tatlong istorya. Ng mga relasyon. Ng pag-iibigan. Ang iniikutan. Problema. Pagtatalo. Agam-agam. Duda. 

Sa panahong kasamang nagdudugtong sa relasyon ang mga aparato. Na naroon ang sinasabi pero naiiwan sa puso ang gusto pang sabihin na kalaunan, subtext na nga lang.

Itinampok ng pagtatanghal ang sinasaluduhan na namin ngayon sa kanilng pagganap dahil naitawid ang mga karaktet nila. Si Cherry Morena at ang katunggali sa balitaktakan na si Jiro Custodio (mula sa Starkada ng NET25), ang nagligawang sina Shane Santos at Ced Recalde, at ang pinagbigkis ng kantang Sad Movies na kinasasawaan man ay nagbukas ng mga sikreto kina Karl Tiuseco at Gaye Angeles.

Sa unang act, makare-relate ka sa walang puknat na away ng ‘di magkaunawaang magkarelasyon na halos sumuko na sa pagsasama. Kikiligin ka naman sa takbo ng ligawan sa ikalawa. Ang ikatlo ay ang pagsasamang pinagtagal na ng panahon.

Mapapanood pa ito sa Main Hall ng Sikat Studios sa 305 Tomas Morato, Quezob City sa Pebrero 8 at 15, 2025. Tamang-tama sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Mas maganda kung sa mas malaking venue rin ito maipalabas. Para mas marami pa ang makasaksi sa husay ng mga gumanap.

Flaws, oo. Mayroon din. ‘Di maiaalis. Na nahinaan lang sa ilang parte ng play ang mga nanood. Tsek naman siya sa props. At ang panalo eh, ang mga kanta!

About Pilar Mateo

Check Also

Roderick Paulate Maricel Soriano

Kuya Dick at Maricel panalo sa 38th PMPC Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente WAGI ang mag-bestfriends na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano sa 38th PMPC Star Awards …

Papa Yohan Ms K Barangay LSFM 97.1

Papa Yohan at Ms K bagong dagdag sa pamilya ng Barangay LSFM 97.1 

MATABILni John Fontanilla MAY dalawang bagong dagdag sa pamilya ng nangungunang FM Station sa bansa, …

Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP

WASSUP Super Club nina Mia, Jayvee, John, Mamalits dapat abangan

MATABILni John Fontanilla SA tagumpay sa negosyo ng isa sa original Sex Bomb na si Mia Pangyarihan na mayroong …

Atty Levi Baligod Malot Baligod

Atty. Levi Baligod gustong tutukan usaping ekonomiya sa Leyte

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA pang politiko ang nakaharap namin kamakailan. Ang kontrobersiyal na abogado …

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …