Monday , January 20 2025
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Topakk

Topakk nina Arjo at Julia may 2 version, aprub sa MTRCB

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBANG atake rin ang ginawa ng producer ng Nathan Studios na si Sylvia Sanchez para sa pelikulang Topakk na tinatampukan ng anak na si Congressman Arjo Atayde.

Ecstatic ang nanay. At producer.

Masasabing internationally acclaimed Pinoy action film na ang Topakk dahil naipalabas na ito sa Cannes at nag-premiere na rin sa Locarno.

Kaya ang sabi ng nanay, ng producer,  “it’s coming home.” And it is coming home ngayong Pasko sa mga sinehan all over the country. Dahil kasama ito sa sampung pelikulang itatampok sa MMFF 2024 (Metro Manila Film Festival).

Sabi nga nang ilunsad ang pelikula, “Damay-damay na ito!”

May ilan ng nakapanood nito ng buo. At sa  ibinahaging teaser/trailer, iisa ang sinasabi ng mga nakasaksi na magiging strong contender for Best Actor si Arjo.

Sinamahan din siya sa paglalakbay na ito ng mga co-star na sina Julia Montes, Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Jeffrey Tam, Maureen Mauricio, Anna Feo, at marami pa.

Making waves internationally and locally, ito ang ikinatataba ng puso ni Sylvia. Na pinagtuunan na ng pansin ng mga manonood sa ibang bansa at ngayon sa atin ng mga kababayan.

Action-packed thriller ang Topakk na katulong ng  Nathan Studios ang Fusee at Strawdogs.

Inikutan ni Direk Somes ang Topakk sa istorya ng isang dating special forces operative battling with  PTSD (post traumatic stress disorder), na naging security guard sa isang abandonadong warehouse. Na magku-krus ang landas sa magkapatid na tumatakas naman sa batas.

Hindi na makalilimutan ni Sylvia ang ipinamalas na perfornance ni Arjo sa reaksiyon ng  film aficionados sa Cannes; Locarno; and Austin, Texas – na personal na dinaluhan ng aktor.

Ibang Julia rin ang makikita sa karakter na inilaan sa kanya.  Action-packed. Papel na hindi pa niya nagampanan. Kaya all praises din si direk Richard Somes sa kanya. Na kapag nilagyan na ng “dugo” sa buong katawan, hindi na nga raw ito pumapasok sa dressing room o tent at inaabangan na lang ang susunod na gagawin. Kesehodang balot na ng nanlalagkit na tsokolate.

Tinatalakay ng pelikula ang mental health, korapsyon, at ang pagtubos sa kasalanan. 

Pak! Pak! Pak! Ganon ang bilis ang bakbakan ng aksiyon ng mga karakter. Kukudlitan ng malalim na emosyon na iikutan ng mga tauhan.

Dalawa ang MTRCB rating nito sa mga sinehan. “Isang R-16. Para makapasok kami sa SM Cinemas. Isang R-18. Doon sa mga hindi SM. Minimal na pagbawas lang sa hardcore action scenes,” ayon sa producer na si Sylvia. 

Kaya salubungin na ang pag-uwi ni Topakk sa kanyang tahanan.   

About Pilar Mateo

Check Also

Widows War

Widows’ War patuloy na namamayagpag sa finale week 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagiging winner ng mystery dramang minahal ng sambayanan. At …

Mga Batang Riles Miguel Tanfelix Kokoy De Santos

Mga Batang Riles inilipat ng oras 

RATED Rni Rommel Gonzales MAPAPANOOD na ang Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, …

Michael Sager Jillian Ward

Jillian at Michael malakas ang chemistry

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA totoo lang, maganda ang chemistry nina Michael Sager at Jillian …

Rufa Mae Quinto Willie Revillame 2

Rufa Mae hiling ng netizens kuning co-host ni Willie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKA-AALIW talaga itong si Rufa Mae Quinto o mas tinatawag naming …

Ruru Madrid

Ruru tiwalang matatalo katapat na show, hari na ang pakiramdam

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT sino naman ay magiging proud lalo’t inihihilera ka na sa …