MA at PA
ni Rommel Placente
ANG pelikulang My Future You mula sa Regal Entertrainment Inc., na pinagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin ay isa sa official entry sa darating na 50th Metro Manila Film Festival come December 25.
At dahil My Future You ang title ng kanilang pelikula, tinanong ang FranSeth kung ano ang inaasahan o gusto nilang mangyari sa kanilang future.
Ang sagot ni Seth, “Gusto kong mapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko. Gusto kong makapagpagawa na ng bahay sa lote na binili ko. Gusto ko na masundan ang ‘My Futue You.’
“At siyempre para sa sarili ko rin, gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko na magkaroon ako siyempre ng talagang..tao na magmamahal sa akin. Sa tingin ko naman, malapit na.”
“Gusto kong mangyari sa future ko..ang dami. Una po sa lahat siyempre, pamilya ko pa rin ‘yung..kailangan ‘yung pamilya ko, sila muna (ang uunahin).
“After that, pwedeng ako na. Gagawa ako ng sarili kong path, para sa sarili kong buhay ko. And maybe, pwede na akong mamuhay with my future. Simple lang naman po ang gusto ko sa future, basta maibigay ko lang ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ko, okey na po ako roon,” sabi naman ni Francine.
Sa tanong naman kay Francine kung bakit dapat panoorin ng tao, lalo na ng kanilang mga fan ang My Future You, sagot niya, “Para po ito sa lahat. Actually, Rated G ito ng MTRCB.
“At para sa akin, dapat siyang panoorin ng lahat dahil tuwing Pasko, ang gusto natin, maramdaman ang pagmamahal, lalong-lalo sa pamilya at sa special someone natin.
“Ang difference rin ng movie namin ni Seth ay ‘yung timeline namin. Magkaiba kami ng panahon.
“At isa sa mga challenge ng istorya, eh kung paano kami magkikita ng karakter ni Seth.
“At saka kung paano namin maipadadama ang pagmamahal namin sa mga tao sa buhay namin at ‘yung pagmamahal na mayroon kami sa isa’t isa sa pelikulang ito,” aniya pa.
Ang My Future You ay mula sa dieksiyon ni Crisanto Aquino.