I-FLEX
ni Jun Nardo
MALINAW na malinaw ang restored copy ng Dekada ‘70 nang magkaroon ito ng special screening para sa estudyante ng University of Sto. Tomas nitong nakaraang mga araw.
Present of course ang bidang si Vilma Santos-Recto together with Tirso Cruzz III na humarap sa talk back after ng screening.
Sa mga susunod na araw, eh susundan ng screenimg ng iba pang classic movies ni Ate Vi gaya ng Tagos ng Dugo, Bata Bata Paano Ka Ginawa? at Ekstra ang mapapanood.
Of course, magiging bahagi ng event sa isang book na ginagawa tungkol kay Ate Vi na pinamamahalaan ng ilang faculties sa UST.
Ayon kay Ete Emelyn ni Ate Vi, matapos ang documentation eh magkakaroon ng pictorial ang Star for All Seasons para sa book.
Of course, isang maipagmamalaking movie ni Ate Vi ang Dekada ‘70 na idinirehe ni Chito Rono lalo na’t magagaling lahat ang lumabas na anak niya led by Piolo Pascual!