I-FLEX
ni Jun Nardo
BALIK-KAPUSO ang kaibigan naming si Arnel Natividad and this time, bilang director ng game show nina Heart Evangelista at Sean Lucas na The People Have Spoken.
Floor director ng Vilma ni Governor Vilma Santos-Recto nang makasama namin si direk Arnel. Hanggang sa nabalitaan naming lumipat na ito sa ABS-CBN.
Of course, bago na ang studios ng GMA sa pagbabalik ni Arnell.
At pasado rin sa kanya ang working attitude nina Heart at Sean na magsisimula na sa June 6, Sabado after ng 24 Oras Weekend.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com